News Releases

English | Tagalog

Maine Mendoza, tampok bilang MYX Celebrity VJ ngayong Abril

April 02, 2020 AT 02:33 PM

Maine Mendoza joins MYX as Celebrity VJ this April

VJ Maine kicks off her MYX duties this Sunday (April 5) on Mellow MYX.

Erik, Janine, Juris, bida sa MYX Live! stage

Taong 2010 nang ipinahayag ni Maine Mendoza ang kanyang pangarap maging MYX VJ. Pagkatapos ng 10 taong lumipas, nakamit niya ito dahil siya ngayon ang tampok na guest celebrity VJ ng MYX ngayong buwan ng Abril.
 
Ito na ang kauna-unahang month-long venture ni Maine sa music channel ng ABS-CBN pagkatapos ng kanyang guesting para sa pelikulang “Isa Pa With Feelings” noong Oktubre. Tugma ang pagkakataong ito sa kakalungsad niyang music career sa kantang “Parang Kailan Lang,” isang collaboration kasama ang OPM band na Gracenote.  
 
Bilang MYX VJ ngayong buwan, ipapakilala niya ang tampok na music videos sa Mellow MYX, Pop MYX, Pinoy MYX, at My MYX. 
 
“Tuwang tuwa ako, as in super, kasi iba yung ginawa ko before for the promo of ‘Isa Pa with Feelings,’ few segments lang yun dito sa MYX. Tapos ngayon ang daming episodes so nakakatuwa lalo na pag sinasabi ko yung 'MYX VJ'. Parang dream come true siya sa akin," masayang pagbabahagi ni Maine tungkol sa kanyang MYX Celebrity VJ experience.
 
Samantala, may hatid pang espesyal na handog sa MYX Live! stage mula sa exclusive performances nina Juris (April 9) at Erik Santos (April 16). Nagbigay rin ang Tawag ng Tanghalan champion na si Janine Berdin ng makabagbag damdaming #MYXLIVE performance noong Huwebes.
 
Mapapanood ang MYX Live! performances sa All Music MYX sa YouTube, isang online playlist hub na inilunsad wala pang isang taon ang nakararaan at ngayon ay may 150K subscribers na.
 
Matutunghayan naman tuwing 8pm gabi-gabi sa MYX Philippines’ Facebook page at YouTube channel ang bagong proyektong inilunsad ng ABS-CBN Music na “All Music: Artists At Home Sessions” tampok ang Kapamilya artists na maghahandog ng kanilang mga awitin live mula sa kanilang mga tahanan. 
 
Makisaya kasama si Celeb VJ Maine sa Mellow MYX simula ngayong Linggo (April 5) hanggang April 11 (Sabado), sa Pop MYX simula April 12 hanggang 18, sa Pinoy MYX simula April 19 hanggang 25, at sa My MYX simula April 26 hanggang 30. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, SKYcable channel 23, at sa SKYdirect channel 37. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.