News Releases

English | Tagalog

Maki-“Tawa Tawa Together” kasama si Alex Calleja sa iWant

April 21, 2020 AT 02:16 PM

iWant’s new comedy show “Tawa Tawa Together” brings relief and laughter this quarantine season

Alex Calleja leads the laugh fest this season…

Kalimutan muna ang pangamba at makisaya sa hatid na katatawanan ng iWant kasama ang komedyanteng si Alex Calleja sa bagong show nitong “Tawa Tawa Together” na libreng mapapanood sa streaming service.

Itatampok sa gag show ang iba’t ibang komedyante tulad nina Pokwang, Melai Cantiveros, Vandolph Quizon, at “Goin Bulilit” kids upang bigyan ng nakakatuwang twist ang karanasan ng iba’t ibang pamilya habang may quarantine. Mapapanood ang susunod na episodes sa Miyerkules, Biyernes (Abril 22, Abril 27), at Mayo 1.

Sa pilot episode nito, ipapakita ni Nonong Ballinan ng “Home Sweetie Home” ang mahihirap na pagsubok na dala ng pagvi-video chat sa crush at pag-iwas sa mga kaibigang nangungutang. Nakakatuwa rin ang pagbabahagi ni Alex ng mga karanasan niya sa bahay dahil sa tuloy-tuloy na “toyo mode” ng kanyang asawa.

Katatawanan din ang dala ni Vandolph tungkol sa malupit na ‘social distancing’ na ginagawa ng kanyang praning na pamilya, habang haharapin naman si Alex ang makukulit at matatalinong sagot ng child stars na sina Raikko Mateo, Enzo Pelojero, Chunsa Jung, Sophia Reola, at Carlo Mendoza sa kanilang ‘bugtung-bugtungan’ challenge.

Mula sa Cebu, magpapasikat din ang mag-amang Gedent Ambayic at Diego ng Crazy Duo gamit ang kakaibang interpretasyon ng theme song ng noontime show na “It’s Showtime.” Dala naman ng YouTuber musician na si Rex Ricamara ang isang awitin tungkol sa panganib ng pagtambay sa labas.

 

Magsasama-sama naman ang mga komedyante para sa kanilang makabagong bersyon ng “May Pulis Sa Ilalim Ng Tulay,” ang “May Tanod Sa Gilid ng Kanto,” na kanilang pagdudugtungin upang makabuo ng mga katawatawa ngunit makatotohanang pangyayari ngayong panahon ng quarantine.

Mapapanood ang bagong episodes ng “Tawa Tawa Together” Abril 22, Abril 27, at Mayo 1 sa iWant ng 8 PM.

Makisaya kasama si Alex Calleja at kanyang mga bisita sa “Tawa Tawa Together,” sa (iOs at Android) o bisitahin ang iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

 



 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE