News Releases

English | Tagalog

Galing at lakas ng Creamline Cool Smashers, mapapanood muli sa ABS-CBN S+A

April 22, 2020 AT 01:17 PM

ABS-CBN S+A showcases Creamline's best PVL matches starting April 25

Fans of the Cool Smashers, which are coming off a historic 20-game sweep in the 2019 Open Conference, will get to relive the exciting wins against the league’s top squads behind stars Alyssa Valdez, Jia Morado, Michelle Gumabao, and Jema Galanza.

Ipapalabas muli ng ABS-CBN S+A ang ilan sa mga pinakamagandang laro ng Creamline Cool Smashers mula sa kanilang tatlong kampeonato sa Premier Volleyball League (PVL).

Simula ngayong Sabado (Abril 25), matutunghayan na muli ang galing at lakas nina Alyssa Valdez, Jia Morado, Michele Gumabao, at Jema Galanza sa pagharap sa mga pinakamahusay na koponan sa liga.

Mapapanood ang unang laro ngayong Sabado (Abril 25) ng 1:30 pm kung saan mahaharap nila ang Banko Perlas Spikers sa 2017 Reinforced Conference Quarterfinals. Kasunod nito ang laro nila sa semifinals kontra Balipure Purest Water Defenders ng 4 pm.

Sa Linggo (Abril 26), makakalaban ng Creamline sa 2018 Reinforced Conference Finals ang PayMaya High Flyers ng 1:30 pm at Pocari Sweat-Air Force Lady Warriors naman ng 4 pm sa 2018 Open Conference.

Dalawang sagupaan ng Ateneo-Motolite at Cool Smashers sa 2018 Open Conference naman ang mapapanood sa Abril 27 ng 1:30 pm at 4 pm.

Sa Abril 28, tampok naman ang banggaan nila at ng Choco Mucho Flying Titans sa 2019 Open Conference ng 1:30 pm, kasunod ang kanilang semifinals match-up kontra Motolite ng 4 pm. 

Ipapalabas din ang dalawang matinding bakbakan ng Cool Smashers at karibal na PetroGazz Angels sa 2019 Open Conference Finals sa Abril 29.

Huwag palampasin ang mga laro ng Creamline Cool Smashers sa ABS-CBN S+A laban sa iba pang mga magigiting na manlalaro tulad nina Kat Tolentino, Bea De Leon, at Myla Pablo.

Para sa balitang sports, i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa  www.abscbnpr.com.