News Releases

English | Tagalog

Blockbuster ABS-CBN movies eere sa China cable TV

April 22, 2020 AT 01:51 PM

Labing-anim na pelikula ng ABS-CBN ang maghahatid ng saya sa manonood na Chinese sa pag-ere nito sa Phoenix Movie Channel ng China. 
 
Maaalalang pumirma ang ABS-CBN at Phoenix Satellite Television noong 2019 para iere ang patok na mga pelikulang pumatok dito sa bansa. Nauna nang ipalabas “Four Sisters And A Wedding” noong Disyembre 2019, na sinundan naman ng “Barcelona: A Love Untold” at “Love You To The Stars And Back” nang Marso ngayong taon.
 
Ngayong Mayo, matutunghayan sa China ang “The Achy Breaky Hearts” at “Dear Other Self.”
 
Pag-ibig din ang mamamayani sa buwan ng Hunyo dahil nakatakda ring mapanood sa China ang mga pelikulang “My Perfect You” na pinagbibidahan din ni Gerald kasama si Pia Wurtzbach, at “Can’t Help Falling In Love” ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
 
Palabas din ang “My Exes and Whys” nina Liza Soberano at Enrique Gil, at ang “Always Be My Maybe” at “Can We Still Be Friends” nina Arci Munoz at Gerald Anderson. Mapapanoood din sina Maja Slavador at Zanjoe Marudo sa pelikula nilang “To Love Some Buddy.”
 
Pagsapit naman ng Hulyo, matutunghayan nila ang award-winning movies, kasama ang “Everything About Her” na pinagbidaan na si Vilma Santos, Angel Locsin, at Xian Lim.
 
Sa buwan ding ito mapapanood nila ang “You’re My Boss” nina Coco Martin at Toni Gonzaga, ang “Hihintayin Kita Sa Langit” (na pinamagatan na “I Will Wait for You In Heaven” sa international release nito), nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, at “Kasal” na pinagbibidahan ni Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Paolo Avelino.
 
Pagdating naman ng Nobyembre, mapapanood ang “Siargao” na pinagbibidahan ni Jericho Rosales, Erich Gonzales, at Jasmine Curtis-Smith.
 
Para sa karagdagang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.