News Releases

English | Tagalog

Netizens, inaanyayahang ipakilala ang kanilang 'Frontline Hero'

April 29, 2020 AT 12:39 PM

Bibigyang pugay ng ABS-CBN TVplus GO ang ating mga frontliner sa paanyaya nito sa mga Pilipino na mag-nominate ng kanilang bagong bayani o in the “Ipakilala ang iyong frontline hero” campaign.

 

Layunin nito na kilalanin ang magiting at kapuri-puring tapang sa gitna ng krisis ng mga frontliner sa bansa. Araw-araw, iba- ibang frontliners ang bibigyang pugay ng ABS-CBN TVplus GO mula sa mga sinend na modern-day frontliner hero ng netizens.   

 

Ang entries na may pinakamaraming shares at reactions pagdating ng 6 PM sa bawa’t araw ay makakakuha ng essential grocery items na nagkakahalagang P3,000 para matulungan ang pamilya ng mga frontliner sa panahong ito ng pagsubok. Mabibigyan rin ang bawa’t mapipili ng ABS-CBN TVplus GO unit, na kanilang magagamit sa libreng panonood ng balita o ng kanilang paboritong palabas habang papasok o pauwi mula sa trabaho.

 

Isumite sa pamamagitan ng google form (https://bit.ly/3cYGEFv)  araw-araw mula 8 AM hanggang 12 PM. Lahat ng entries ay i-popost dito at hinihikayat ang lahat na i-share ito simula 1 PM hanggang 6 PM.  

 

Huwag na palampasin ang pagkakataong ito para sumali na sa "Ipakilala ang Iyong Frontline Hero." Tatakbo ito simula Abril 29 (Miyerkules) hanggang Mayo 13 (Miyerkules).