News Releases

English | Tagalog

TV premiere ng "Block Z," blockbuster hit sa first day nito sa KBO

April 04, 2020 AT 11:23 AM

Naging isang blockbuster hit ang pinag-usapang zombie movie ni Julia Barretto na "Block Z" nang mag-premiere ito sa KBO nitong Biyernes (Abril 3). 


Ngayong taong ito, ang pelikula ang may pinakamaraming nanood sa unang araw ng pagpapalabas nito sa KBO.


Umiikot ang kwento nito sa med student na si PJ (Julia Baretto) at ng kanyang mga kaibigan na natunghayan ang pagkamatay ng kanilang pasyente na hinihinalaang may rabies.  Ang akala nilang simpleng pagkamatay ng pasyente ay magdudulot pala ng isang malaking problema nang mabuhay ito at manghawa ng ibang tao sa campus. 


Hanggang Martes, Abril 7, palabas ang “Block Z” sa KBO kasama ang ang mga pelikulang "She's the One," "Familia Blondina," "Feng Shui," "Working Beks," "Abay Babes," "In My Life," at "Vince, Kath & James." 


Lubos rin na pinag-usapan ito sa social media at nagtrend ang #BlockZ. Ani ni Twitter user @CaroleDianne_ , "Hindi nakakasawa yung Block Z panoodin lalo na kapag pogi yung direktor. #BlockZ"


Pinuri naman ni  @roseinurlyf ang husay ni Direk Mikhael, "#BlockZ pagsinabing si  @MikhailRed ang director hindi na ako magtatanong kung maganda ba o hindi  kasi alam ko nang maganda."

Hiling naman ni @AnthonDTrino, "Done watching #blockz. Sobrang galing ni @barrettojulia.Super ganda at astig ng movie na ito deserves to have a part 2 lalo na may isang sobrang artista ang dadagdag sa kwento."


Sa mga hindi pa nakakapanood, maari pa ring magregister ang ABS-CBN TVplus subscribers gamit ang kahit anong prepaid o postpaid SIM. Para sa prepaid, magload  (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at i-text ang KBO30 (date) <TVplus box ID> sa 2366.