News Releases

English | Tagalog

Sam Milby, inawit ang theme song ng "Love Lockdown" na "Last Goodnight"

May 27, 2020 AT 11:09 AM

Ang kanta ni Sam Milby na “Last Goodnight” ang theme song ng iWant digital movie na “Love Lockdown.”

Unang inilabas ang pop-rock na kanta bilang bahagi ng “SAM:12” album ni Sam, na siya namang bumagay sa nakaka-intrigang istorya ng pitong bida sa bagong iWant movie na pinagsama-sama ng pag-ibig, pagnanasa, at pagtataksil.

Tinatalakay din ng kanta ang mga komplikasyon ng isang mapagnasang relasyon at ang mga problemang dala ng pagmamahal na bunga ng isang gabing pagsasama.

Dinaan ni Sam sa Instagram ang pag-imbita sa mga follower nya na panoorin ang “Love Lockdown” at pakinggan ang kanta niyang “Last Goodnight.” “Thank you once again my @dreamscapeph family! LOVE LOCKDOWN now streaming on the iWant app and iwant.ph! LAST GOODNIGHT can also be streamed in all major digital platforms. Thanks @jonathanmanalo for this nice track!”

Isinulat at iprinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang “Last Goodnight,” in-arrange ni Paulo Zarate, at mi-nix at master ni Dante Tañedo.

Bukod sa “SAM:12,” nakapag-release na ng apat pang album sa ilalim ng Star Music si Sam, kabilang na ang debut LP niya na “Sam Milby” noong 2006, “A Little Too Perfect” noong 2007, “Love Duets” kasama si Toni Gonzaga noong 2009, at “Be Mine” noong 2011.

Isa siya sa mga talented artist sa ilalim ng Star Music—tahanan ng pinakamagagandang awiting OPM mula sa nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN.

Harapin ang panganib ng pag-ibig at pakinggan ang “Last Goodnight” ni Sam sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music at sa iba pang digital streaming mediums. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa www.facebook.com/starmusicph, at i-follow ito sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE