News Releases

English | Tagalog

Angelica, JM, Tony, Jake, Arjo, Sue, at Kylie, magkakasama sa “Love Lockdown” ng iWant

May 04, 2020 AT 05:17 PM

Angelica, JM, Tony, Jake, Arjo, Sue, and Kylie tease new iWant project “Love Lockdown”

In a photo released by Dreamscape Entertainment, the Kapamilya stars are shown joining a video conference with each other with the caption “Zoom meeting in progress.”

Usap-usapan sa social media ang pagsasama-sama nina Angelica Panganiban, JM de Guzman, Jake Cuenca, Arjo Atayde, Sue Ramirez, at Kylie Verzosa sa isang teaser para sa isang panibagong proyekto ng iWant na “Love Lockdown.”

 

Sa litratong nilabas ng Dreamscape Entertainment, makikitang magka-video chat ang naturang Kapamilya stars at may caption na “Zoom meeting in progress.”

 

Habang marami ang naghuhulaan kung pelikula o teleserye baa ng proyekto, mas malaking tanong naman para sa iba kung paano nila ito kukunan sa kabila ng quarantine. Naintriga rin ang iba kung may kinalaman ba ang titulong “Love Lockdown” sa kasalukuyang lockdown na ipinapatupad sa ilang bahagi ng bansa.

 

Ang “Love Lockdown” ang reunion project ng “That Thing Called Tadhana” lead stars na sina Angelica at JM, “Los Bastardos” co-stars at real-life partners na sina Jake at Kylie, at tambalang Arjo at Sue o ArSue mula sa teleseryeng “Hanggang Saan.”

 

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.