News Releases

English | Tagalog

"Ang Huling El Bimbo, The Musical" pumalo ng 2 million views wala pag 24 oras mula nang mag-stream online

May 08, 2020 AT 06:46 PM

Damang-dama ang pagkasabik ng fans sa pagbabalik ng “Ang Huling El Bimbo, The Musical” matapos nitong magkamit ng halos 2 milyon na pinagsamang views sa Facebook at YouTube ng ABS-CBN, wala pang isang araw matapos itong mag-stream online.

Pumalo sa higit 1.13 milyon views ang rock concert musical sa Facebook pagsapit ng 4 PM noong Biyernes (Mayo 8), samantalang halos 940,000 views naman ang nakamit nito sa YouTube at ikatlo sa listahan ng trending videos sa streaming platform.

Sari-sari rin ang naging papuri ng netizens na nagbahagi ng kanilang kagalakan sa social media.

“Thank you Resorts World Manila for the generosity of sharing this to all at this time of discouragements. Indeed hope never left us,” sabi ng Facebook user na si Jojo Olano.

“Sobrang galing niyong lahat. Kudos sa buong team as in grabe, solid,” komento ng fan na si Moira Cerdena.

“Watched it live at the theater, can’t get enough and watching it again live on Facebook. Still and will always be the best,” sabi naman ni Ludy Grace Ambros.

Patuloy pa ring mapapanood ang musical sa Facebook at YouTube ng ABS-CBN hanggang Sabado (Mayo 9). Ang malilikom na donasyon ay mapupunta sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign ng ABS-CBN na gagamiting pantulong sa mga Pilipinong lubos na apektado ng enhanced community quarantine.

Maaaring magdonate sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. sa BDO account nitong 0039302-14711 gamit ang swift code BNORPHMM o sa BPI account 3050-0055-84 gamit ang swift code BOPIPHMM. Maaari ring ipadala sa Paypal nito (ALKFI-Paypal@abs-cbnfoundation.com).

Para sa updates, i-follow lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@absbncpr), at Instagram (@abscbnpr).