News Releases

English | Tagalog

"Hindi Pa Tapos Ang Laban" ni FPJ bida ngayong Father's Day weekend sa Cinemo

June 19, 2020 AT 09:47 AM

Maaksyong mga pelikula ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. ang handog ng CineMo sa manonood simula ngayong Father’s Day, Hunyo 21 hanggang July 12.

 

Ngayong Linggo (Hunyo 21), tunghayan ang "Hindi Pa Tapos Ang Laban" na unang ipinalabas noong taong 1994. Ginampanan ni FPJ si Carding, isang lalaking naghahanap ng hustisya para sa pagkamatay ng kanyang kapatid sa kamay ng politiko. Alamin kung paano niya makukuha ang hustisya kung pati ang pulis at militar ay hawak ng nasabing politiko. 

 

Ang pelikula naman kung saan niya nakuha ang ikaapat niyang Famas Best Actor, ""Umpisahan mo Tatapusin Ko" ay mapapanood ngayong Hunyo 28. Kilalanin siya bilang si Sgt. Delfin Prado, isang huwarang pulis. Sa araw ng kanyang kasal, na-kidnap ang kanyang mapapangasawa at pinatay ang pamilya nito ng isang nakatakas ng inmate na kanyang nadakip ilang taon ang nakakaraan. Gagawin niya ang lahat upang matugis ang sindikatong kinabibilangan ng kriminal at mabalik muli ang kanyang pinakamahahal. 

 

Samantala, may pagkakataon namang manalo ng gift certificates sa tuwing manonood ng mga espesyal na tampok. Tandaan kung ilang beses lumabas ang mascot ng CineMo na si Bruno. 

 

Sa mga gustong lumahok, kinakailangan muna nila i-send ang keyword na FPJ sa Messenger ng Facebook page ng CineMo at sagutin ang isang questionnaire. Matapos sagutan, maari na nilang sabihin ang sagot sa promo question. 

 

Bawa’t isa sa limang winners tuwing Linggo ang makakatanggap ng P1,000 E-Gift Certificate na maaaring gamiting sa supermarkets, drugstores, at ilang shopping brands. Upang malaman ang kumpletong detalye para sumali, maaaring bisitahin ang Facebook page ng CineMo.

 

Abangan ang iba pang FPJ movies ngayong Hulyo sa CineMo Channel 3 ng ABS-CBN TVplus at ABS-CBN TVplus GO.