News Releases

English | Tagalog

Zephanie, ipaparinig na ang bagong kantang "Sabihin Mo Na Lang Kasi"

July 22, 2020 AT 05:29 PM

Ipapakita ni Zephanie ang pagma-mature niya bilang isang mang-aawit sa kanyang bagong single mula sa Star Music na “Sabihin Mo Na Lang Kasi,” na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Hulyo 24).

"Mahilig po talaga akong makinig sa mga masasakit kanta, kaya nung first time ko itong narinig, sobrang excited ako na magrecording," ani Zephanie.

"Sinigurado po namin ni Jonathan Manalo (producer) na na-deliver yung tamang emosyon, lalo na po na ibang-iba ito sa mga unang ni-release ko na mga kanta," dagdag niya.

Isang malungkot na kantang acoustic ang "“Sabihin Mo Na Lang Kasi,” na tungkol sa matapang na hiling ng isang tao sa kanyang minamahal na sabihing tapos na ang kanilang relasyon kaysa magpanggap na ayos lang ang lahat. Tampok sa awitin ang mas malamig na boses ni Zephanie, na malayo sa nakakabilib niyang pagbirit.

Inilabas ng “Idol Philippines” grand winner ang kanyang ikatlong single na "Pangako Ko" nito lang umpisa ng taon, na sinundan ng bagong rendisyon niya ng kanta ni Gloc 9 na "Simpleng Tao," na ginamit bilang theme song ng Star Cinema film na "James and Pat and Dave.”

'Wag matakot malaman ang katotohanan gaano man ito kasakit at pakinggan ang “Sabihin Mo Na Lang Kasi" ni Zephanie simula ngayong Biyernes (Hulyo 24)! Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE