News Releases

English | Tagalog

Richard, sasabak na ngayong Lunes sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

July 04, 2020 AT 09:26 PM

Richard joins the “FPJ’S Ang Probinsyano" on Monday

Is he a friend or foe?

Isang bagong karakter ang darating sa buhay nina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa pagpasok ni Richard Gutierrez sa action-drama serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” simula ngayong Lunes (Hulyo 6) sa Kapamilya Channel.

Dito, gaganap si Richard bilang ang mayamang businessman na si Lito, na kababata at unang pag-ibig ni Alyana.

Matapos ang ilang taong pagkakalayo, magbabalik si Lito sa buhay ni Alayana at mapapalapit sa pamilya nito.
Mapagkakatiwalaan nga ba si Lito, o siya na baa ng panibagong kaaway na patutumbahin ni Cardo? Ano ang tunay niyang intensyon sa pagbabalik niya sa buhay ni Alyana?

Tunghayan si Richard Gutierrez bilang Lito at ang mga maaksyong misyon ni Cardo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” tuwing 8 PM mula Lunes hanngang Biyernes sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel channel 2, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa). Mapapanood din ang episodes nito sa iWant app or iwant.ph. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.