News Releases

English | Tagalog

MNL48 tuloy ang saya

September 18, 2020 AT 12:46 PM

Tuloy-tuloy ang pagbibigay saya ng MNL 48 sa kanilang fans na miss na miss na sila dahil may darating pang dalawang pagsasama-sama ang grupo sa "MNL48:REGROUP:The Reunion" ngayong Setyembre. 

 

Samahan ang mga miyembro ng NIV at L sa kanilang catch-up mula sa kani-kanilang mga bahay at panoorin ang kanilang surprise performances at games na hinanda nila para sa kanilang fans sa darating na Setyembre 18 at 25, 7 PM sa YouTube channel ng MNL48.

 

Matutuwa ang fans dahil pwede silang magtanong sa grupo via Super Chat o Super Stickers sa nasabing YouTube Live.

 

Una nang nakasama ng fans ang grupong MII noong Setyembre 11 kung saan napanood ang performances nina MNL48 Andi, MNL48 Emz, at MNL48 Sheki. .

  

Sa kabila naman ng pandemiya, tuloy ang pagbibigay aliw ng MNL48 sa kanilang fans sa iba't ibang digital series na mapapanood sa kanilang YouTube channel. 

 

Isa na rito ang four-part horror and mystery mini-series na "MNL48 Presents: Chain," na umiikot sa pagkawala ng estudyanteng si Tina Silvero (MNL48 Jamie). Sa paghahanap ng kanyang mga magulang, isang chain video niya ang iikot online. Ang makakakita nito ay kailangan ito ipasa, kung hindi ay pwede silang mamatay. 

 

Kakaibang kwento ng pag-iibigan naman ang mapapanood ng fans sa "MNL48 Presents: Bye Us," kung saan iibig si Jackie (MNL48 Jem) sa kanyang best friend na si Portia (MNL48 Dana). 

 

Nasa kamay naman ng MNL48 fans kung sino ang bibida sa latest nilang offering na "MNL48 Presents: Pranks Not Dead." Maari silang bumili ng voting tickets sa KTX.ph o di kaya ng diamonds sa KUMU. 

 

Hindi pa natatapos sa digital series ang handog ng MNL48. Nagrelease rin sila ng single ng Baby Blue, sub-unit ng MNL48, na "Sweet Talking Sugar." Maari itong mapakinggan sa EGGS, Spotify at iba pang digital streaming sites.

 

Nagpremiere na rin ang music video ng “Sweet Talking Sugar” sa official YouTube channel ng MNL48. Malapit na ring mapanood ito sa MYX. Samantala, dapat abangan ng mga fans ang live-streamed performances ng kanilang idols.

 

Bukod dito, dapat abangan ang upcoming single ng grupo. 

 

Para sa updates sa MNL48, pumunta lamang sa official Facebook (https://www.facebook.com/mnl48official/), Twitter (@mnl48official), Instagram (@mnl48official), at YouTube account ng grupo.