News Releases

English | Tagalog

Relasyon nina Paulo at Michelle, maglevel-up na kaya sa "Ang Sa Iyo Ay Akin?"

September 23, 2020 AT 05:49 PM

Nag-iba na ang ihip ng hangin para sa aso't pusang sina Gelo (Paulo Angeles) at Heidi (Michelle Vito) sa trending serye ng ABS-CBN na "Ang Sa Iyo Ay Akin" matapos silang pumayag maging kaibigan ang isa't isa. 

 

Matapos ang kabila't kanan na asaran sa pagitan ng dalawa, bumigay na si Gelo at kinausap si Heide na kung pwede na silang maging magkaibigan.

 

Makikita nga na unti-unti ng nagbabago ang turingan nila sa isa't isa, ngunit may limitasyon ang kanilang pagkakaibigan—ayaw ni Heidi na malaman ito ng kanyang mga kaibigan. Dahil sa malaking agwat ng kanilang estado sa buhay, nahihiya si Heidi na malaman ng iba na mayroon siyang kaibigan na mahirap. 

 

Matutunan kaya ni Heidi na isantabi ang hiya sa pakikipagkaibigan kay Gelo?


Samantala, isang bagong karakter naman ang papasok sa storya sa katauhan ni Caesar na gusto gamitin ang Cenidoza's pearls para sa illegal na transaction nila ni Marissa (Jodi Sta. Maria). 

 

Kaysa antayin ang paggalaw ni Marissa, papasok siya sa kompanya bilang internal auditor. 

 

Sa kanyang pagpasok, agad niyang napaikot si Gabriel at siniraan ang chief finance officer ng kompanya. 

 

Ano kaya ang mga susunod niyang hakbang? Makakasagabal ba siya sa mga plano ni Marissa o susuportahan niya ito? 

 
Napapanood ang “Ang Sa Iyo Ay Akin,” gabi-gabi sa Kapamilya Online Live,  Kapamilya Channel tuwing 9:20 PM at iWantTFC. I-download lang ang app sa Google Play o App Store, o bumisita sa iWantTFC.com.