News Releases

English | Tagalog

"Magandang Buhay" nagbabalik ang new episodes; halaga ng pagkakaisa mensahe sa manonood

September 25, 2020 AT 03:00 PM

Magandang balita and naghihintay sa mga mommy na miss na miss na sina momshies Melai Cantiveros,Karla Estrada, at Jolina Magdangal dahil magbabalik ang tatlo sa darating na Lunes, 8 AM (Setyembre 28) sa new episodes ng "Magandang Buhay."

 

Tuloy pa rin ang kanilang pagdadala ng saya ngunit magpapaalala rin ng halaga ng pagkakaisa ng mga Pilipino.


Maghahatid muli ang mga momshie ng inspirasyon sa kanilang viewers sa handog nilang mga kwento ng mga artista at kanilang mga pamilya na siguradong kapupulutan ng inspirasyon at aral.  

 

Samahan si Prince of Pop Erik Santos sa isang masayang birthday celebration kasama ang momshies.


Pakatutukan din ang ilang sopresang hinanda ng "Magandang Buhay" para sa kanya at ang mga ibabahagi ni Erik na kwento sa mga Kapamilya.

 

Huwag palampasin ang bagong episodes ng "Magandang Buhay" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.