News Releases

English | Tagalog

Southeast Asian female artists, sanib-pwersa para sa "Heal" project ng ABS-CBN Music

September 03, 2020 AT 03:53 PM

​All-female Southeast Asian artists unite for ABS-CBN Music's "Heal" project

The “Heal” project, a first in the region, seeks to convey love and spur unity for everyone’s healing during these trying times.

Isang #StreamToDonate collab para sa “Pantawid ng Pag-ibig” 

Magsasama-sama sa unang pagkakataon ang mga Pilipinang mang-aawit na sina Jayda, Jona, Kyla, KZ Tandingan, Lesha, Moira Dela Torre, at Xela at sina Rinni Wulandari at Yura Yunita ng Indonesia, ang grupong DOLLA at si Shalma Eliana ng Malaysia, Haneri at Haven ng Singapore, at si Valentina Ploy ng Thailand para sa isang natatanging awitin na may titulong “HEAL.”  

Handog ng ABS-CBN Music International ang mensahe ng pag-asa sa pinaka-aabangang all-female song collaboration na mapapakinggan na sa lahat ng digital streaming platforms simula Setyembre 11 (Biyernes).

Ito ang unang proyekto na pagsasamahan ng mga artist mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia tampok ang kanilang mga boses na layuning magbigay inspirasyon at pagmamahal para sa paggaling, pagbangon, at pagkakaisa ng mga tao laban sa pandemya.

Ang awiting “HEAL” ay isang komposisyon nina Moophs, Alex Godinez aka Xela, at ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo na siya ring over-all producer nito.

Isa ring #StreamToDonate project ang kolaborasyon, dahil lahat ng mga nakibahaging mang-aawit ay piniling i-donate ang kanilang hati sa bayad at royalties para sa “Pantawid ng Pag-ibig" ng ABS-CBN, isang fund-raising campaign na hangaring maghatid ng tulong sa mga Pilipinong nawalan ng mapagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic.

Isa lang ang "HEAL" sa mga proyekto ng ABS-CBN Music International, na naglalayong maipakilala ang talento ng mga Pilipino sa ibang bansa at kamakailan lang, maging tulay na rin sa pagdadala ng mga international talent at music sa Pilipinas.

Humanap ng inspirasyon at lakas sa pakikinig sa "HEAL," mapapakinggan na sa iba't ibang digital streaming platforms simula sa Setyembre 11 (Biyernes).  Maaari na ring i-pre-save ang “HEAL” sa backl.ink/142760252. Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

I-download ang “HEAL” digital press kit dito.