News Releases

English | Tagalog

MYX, hatid ang digital concert ni Ebe Dancel

September 09, 2020 AT 04:18 PM

Mapapanood ngayong Setyembre 18 (Biyernes)!

Ihahatid ng MYX Philippines ang digital concert na “Ebe Dancel Live!” tampok ang tagos sa pusong pagtatanghal ng nasabing iconic OPM singer-songwriter sa Setyembre 18 (Biyernes).

Sa loob ng isang oras, haharanahin ni Ebe ang mga manonood kasama ang host na si MYX VJ Ai Dela Cruz, kung saan dapat abangan ang pagkukuwento ng mang-aawit tungkol sa mga kanta niya, sa 20 taon niya sa industriya, at ang release ng vinyl ng album niyang "Baliktanaw."

May sorpresa ring nag-aabang sa fans dahil pwedeng manalo ang ilan sa kanila ng mga espesyal na freebie at premyo sa panonood ng livestream.

Bilang solo artist at dating frontman ng bandang Sugarfree, si Ebe ang nagsulat ng ilan sa mga pinakamadamdaming OPM songs gaya ng “Prom,” “Tulog Na,” “’Wag Ka Nang Umiyak,” at “Burnout.”

Panoorin ang "MYX Presents: Ebe Dancel Digital Concert" hatid ng MYX at Choco Mucho ngayong Setyembre 18 (Biyernes), 8pm sa Facebook (https://www.facebook.com/MYX.Philippines) at YouTube channel (https://www.youtube.com/user/myxphdotcom) ng MYX Philippines.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE