News Releases

English | Tagalog

Angelica, nainggit sa halikan nina Arci at Paulo sa "Walang Hanggang Paalam"

January 14, 2021 AT 01:44 PM

Angelica catches Arci and Paulo kissing in "Walang Hanggang Paalam"

Will Celine fall for Anton’s trap and once again turn her back on Emman? Will Emman finally reciprocate Sam’s love for him?

Muling malilito ang puso ni Emman (Paulo Avelino) dahil sa pagkakaipit niya sa pagitan ng dalawang dating kasintahan, dahil mahuhuli siya ni Celine (Angelica Panganiban) na nakikipaghalikan kay Sam (Arci Munoz) ngayong Biyernes (Enero 15) sa Kapamilya teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”

Pagkatapos makitang naghahalikan sina Emman at Sam, lalong makukumbinsi si Celine na kaya ayaw nang maniwala ni Emman na buhay pa ang anak nilang si Robbie ay dahil naka-move on na ito sa piling ni Sam. 

Sakit naman ang idudulot nito sa dalawang babae lalo pa’t bumabalik na ang pagtingin ni Celine kay Emman, at si Sam naman ay patuloy na umaaasang mahalin din siya nito.

Magkakaroon ng komprontasyon sa pagitan nila, at hihirit naman si Sam kay Celine ng, “Iniwan mo na si Emman kaya wala kang karapatan na magalit ngayon.”

Samantala, patuloy pa ring pinapaikot ni Anton (Zanjoe Marudo) ang isipan ng dati niyang fiance na si Celine at pilit pa rin pinagtatakpan ang kanyang mga kasalanan bilang mastermind ng sindikatong kumidnap at pumatay kay Robbie.

Muli kayang talikuran ni Celine si Emman para paniwalaan si Anton? Magawa kaya ni Emman na kalimutan na si Celine at mahalin si Sam?

Panoorin ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. 

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.