News Releases

English | Tagalog

Vance, nagpapakilig sa latest single na "Panghabang-Baby"

January 14, 2021 AT 11:20 AM

Vance makes hearts giddy with sophomore single "Panghabang-Baby"

The swoon-worthy single demonstrates one’s upfront promise of eternal love to his special someone.

May bagong single mula sa Star Pop ang charismatic actor-singer na si Vance Larena, ang “Panghabang-Baby” na tiyak na may hatid na kilig sa mga fans.

Bida sa kanta ang pangako ng pagmamahal na ‘forever’ sa isang minamahal. Puno rin ang lyrics nito ng paninigurado at katapatan mula sa taong sobra-sobra ang pagmamahal sa kanyang karelasyon.

“Ang ‘Panghabang-Baby’ ay awitin talaga ng mga in-love. From puppy love to romantic love, pasok ang kanta. Binabalik ka din ng kanta sa pakiramdam ng ma-in-love na parang panghabang-buhay mong gustong maramdaman,” ani Vance.

Si Nino Carlo J. Reyes ang sumulat ng “Panghabang-Baby” kasama si Philip Thomas Vinoya na siya namang nag-compose ng musika nito, habang ang Star Pop head na si Rox Santos ang nag-prodyus ng kanta.

Patok din agad sa fans ang awitin, na ayon sa Star Pop artist ay “tutunawin ka sa kilig.”

“Sobrang stressed ko sa work, pero eto yung stress reliever ko. Oh, baby ko @vance_larena, nakakapawi din ng pagod at puyat ito,” tweet ni @spo2blanco.

“So happy for you Vance. You have a really nice voice. More song releases pa in the future,” comment ni Rose Rose sa YouTube.

March 2020 nang ilabas ni Vance ang debut single niya sa Star Pop na “Tama” tungkol sa halaga ng tiwala sa magkasintahan kapag sinusubok ang kanilang relasyon. Napapanood siya ngayon bilang Sgt. Jake Peralta sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Hanapin ang iyong “Panghabang-Baby” at pakinggan ang pinakabagong single ni Vance sa Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at Twitter at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE