News Releases

English | Tagalog

Inigo Pascual aawitin ang Air Supply classic na "All Out Of Love"

January 26, 2021 AT 06:14 PM

Inigo Pascual to remake the Air Supply classic "All Out Of Love"

In the refreshed "All Out Of Love" version, Inigo is set to vulnerably croon about the empty feeling of losing a significant other over a guitar-driven trap ballad setting from Moophs.

Unang Air Supply remake sa series na ihahatid ng Tarsier Records ng ABS-CBN

 

Nakatakdang ilabas ni Inigo Pascual sa February 5 (Biyernes) ang inaabangang rendisyon niya ng “All Out Of Love,” ang 1980 worldwide hit mula sa Air Supply na isa sa karaoke favorites ng mga Pinoy.
 



Hatid ni Inigo ang emosyong nararamdaman ng iniwan ng minamahal sa bagong pop version ng kanta na may tunog trap ballad hatid ng music producer na si Moophs gamit ang gitara.

 

Ang nasabing awitin ang una sa series ng Air Supply remake na nakatakdang gawin ng ABS-CBN Music sa ilalim ng Tarsier Records ngayong 2021. Alinsunod din ito sa inaabangang Valentine’s Day US campaign ng Air Supply.

 

Unang inawit ng British-Australian soft rock duo na Air Supply ang “All Out Of Love” at isinulat ito nina Graham Russell at Clive Davis. Inabot ng kanta ang no. 2 sa Hot 100 ng Amerika, naging no. 11 din sa Top 40 ng UK, at kinilala bilang “100 Greatest Love Songs” sa 2003 list ng VH1.

 

Ang “All Out Of Love” na nga ang latest collaboration nina Inigo at Moophs, na kamakailan lamang ay naglabas ng dancehall-pop tune na “Always,” na naging bahagi ng “The 100 Best Songs of 2020” ng Apple Music. Kabilang din ang dalawa sa awiting “RISE” tampok ang international artists na sina Eric Bellinger (USA), Sam Concepcion (PH), Zee Avi (Malaysia), at Vince Nantes (USA).

 

Sila rin ang nasa likod ng awiting “Catching Feelings,” na mayroon nang higit sa 10 million streams sa Spotify at 100K dance challenge entries sa iba’t ibang social media platforms.

 

Patuloy si Inigo sa pagtataguyod ng kanyang musika sa global stage lalo na’t inaabangan ang ilalabas niyang “Options” album ngayong 2021 na nagtatampok sa mga kolaborasyon niya kasama ang iba’t ibang international artists.

 

Muling ma-inlove sa Air Supply classic na “All Out Of Love” sa reimagined version nito hatid nina Inigo at Moophs na mapapakinggan na simula sa February 5 (Biyernes). Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE