News Releases

English | Tagalog

Jeepney TV, mapapanood na sa Cignal; Facebook followers, aabot na sa 4M

January 27, 2021 AT 05:34 PM

Jeepney TV now airing on Cignal, set to reach 4M Facebook followers

Jeepney TV on Cignal channel 44 is accessible for those who avail Cignal’s Postpaid Plan 290 and up and Prepaid Load 100 and up.

Panoorin ang "Bagani," "Be My Lady," "Game KNB?," at iba pa!

Pambungad ng Jeepney TV sa 2021 ang mga paboritong Kapamilya teleserye, pagiging available nito sa Cignal channel 44, at pagpalo sa 4 million followers sa Facebook na siguradong maghahatid ng saya sa mas maraming Pilipinong manonood.
 
Sa kasalukuyan, meron nang 3.98 followers sa Facebook, halos 100K followers sa Instagram, at 932K YouTube subscribers ang cable channel na nagpapalabas ng mga paboritong Kapamilya teleserye at pelikula, at mapapanood na rin ito ng mahigit 3M subscribers ng Cignal.
 
Una sa mga handog ng Jeepney TV ang pagbabalik ng hit ABS-CBN fantaserye nina Enrique Gil at Liza Soberano na "Bagani," kung saan pwedeng balikan ng LizQuen fans ang istorya kung paano pinroktektahan nina Lakas, Ganda, at iba pang Bagani ang lupain ng Sansinukob.
 
Mapapanood din ulit ang romantic-drama series na "Be My Lady" nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga tampok ang masiyahin at masipag na karakter ni Pinang at kantang "Tatlong Bibe" na tiyak na magdadala ng saya at inspirasyon sa mga manonood.
 
Nagbabalik din ang komplikadong kwento nina Andrea, Veronica, Rafael, at Miguel sa “Kahit Puso’y Masugatan” na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Gabby Concepcion, tungkol sa mga panganib ng pag-ibig.
 
Samantala, mapapanood na ng Cignal viewers ang tinaguriang ‘pambansang game show’ na "Game KNB?" sa pag-ere nito sa Jeepney TV para sa ikalawang season, bukod sa paglalaro nito sa Pinoy livestreaming app na Kumu (@gknb). Maaari din nilang sundan ang primetime dramas ng Kapamilya Channel sa Jeepney TV at mag-catch up sa “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 pm, at tuwing Sabado ng 8 pm.
 
Panoorin ang “Bagani” weeknights tuwing 7:30pm, “Be My Lady” 4:35 pm, “Kahit Puso’y Masugatan” 12:30 pm, at “Game KNB?” season 2 tuwing 12 nn sa Jeepney TV na mapapanood sa Cignal channel 44 ng mga nag-avail ng Postpaid Plan 290 and up at Prepaid Load 100 and up. Mapapanood din ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, GSAT channel 55, at sa iba pang major provincial cable systems sa bansa. Sundan ang Jeepney TV sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, at mag-subscribe na sa YouTube channel nito.
 
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.