News Releases

English | Tagalog

Pahayag ng ABS-CBN News tungkol kay Kim Atienza

October 01, 2021 AT 07:56 PM

Statement of ABS-CBN News on Kim Atienza

No doubt, Kuya Kim has become an iconic name on Philippine television just like his predecessor in our primetime newscast, the late Ernie Baron. For 17 years, he shared knowledge and wonder to our viewers, as well as the many young Filipinos who grew up watching and learning from him in “Matanglawin.”

Nagpaalam na ngayong araw (Oktubre 1) si Kim Atienza sa mga tagapanood ng “TV Patrol” pagkatapos ng maraming taon niyang paghahatid ng ulat panahon sa programa.
 
Walang dudang tumatak na ang pangalan ni Kuya Kim sa mga manonood.  Maituturing nang isang icon si Kuya Kim sa larangan ng telebisyon sa Pilipinas, gaya ng sinundan niya sa aming primetime newscast na si Ernie Baron.  Sa loob ng 17 taon, nagbahagi siya ng kaalaman at tuwa sa aming manonood, maging sa mga kabataang Pilipinong natuto sa kanilang pagsubaybay sa kanya sa “Matanglawin.”  

Nagpapasalamat kami sa dedikasyon at pagmamahal na ipinamalas niya sa kanyang trabaho, at higit sa lahat, sa kanyang serbisyo sa mga Pilipino.