News Releases

English | Tagalog

Amy at Janice, aliw na aliw kay Ruffa sa "It's Showtime"

October 12, 2021 AT 11:25 AM

Bentang-benta ang mga hirit ni Ruffa Gutierrez bilang choosegado sa "Reina ng Tahanan" sa "It's Showtime,"lalo na kina Amy Perez at Janice de Belen. 

 

"Pinag-uusapan namin ni Tiyang Amy kung iba yung magstatement noong 'bungi,' may ma-ooffend. Pero kapag si Ruffa, nakakatuwa," saad ni Janice tungkol sa naging komento ni Ruffa noong Biyernes (Oktubre 8) sa isang Reinanay contestant na "bungi pa nambababae" pa ang dating kinakasama nito.


Tinanong naman ni Ruffa kung ano ang mali sa kanyang sinabi. Ipinaliwanag ni Janice na kung ibang tao ito ay sa ibang paraan niya ito sasabihin at hindi sa kung paano sinabi ni Ruffa. 

 

"We will say it in a different way and with a different mindset. Ikaw kasi, it's just so funny," sabi niya. Dagdag ni Amy, "Pero yang si Ruffa masaya kasama. Only Ruffa can do that."

 

Hindi lang naman ang mga hurado ang tuwang-tuwa sa mga hirit ni Ruffa. Bentang-benta rin ang kanyang mga hirit sa netizens. Samantala, umuwing Reinanay of the week naman si Donabelle Gatchalian matapos niyang makakuha ng 93.3% combined scores mula sa choosegados na sina Janice, Ruffa, at Lara Quigaman Alcaraz.

 

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE