News Releases

English | Tagalog

Paulo at Janine, mag-on na, Jake napikon!

October 12, 2021 AT 05:14 PM

Sa “Marry Me, Marry You”

Nag-aminan na ng nararamdaman at nagpalitan na ng “I love you” sina Andrei (Paulo Avelino) at Camille (Janine Gutierrez) sa “Marry Me, Marry You,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ginawa nang “official” ng dalawa ang relasyon nila pagkatapos aminin ni Andrei na si Camille ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng positibong pananaw sa buhay. Ngunit ang kapalit ng kanilang masayang pag-iibigan ay ang mga problema sa pamilya at pagkakaibigan.

Magkakaroon kasi ng lamat sa samahan ng mag-best friend na sina Andrei at Cedric (Jake Ejercito) dahil naunang umamin si Cedric ng feelings niya kay Camille. Pakiramdam tuloy ni Cedric, tinraydor siya ng kaibigan niyang itinuturing na niyang kapatid.

Mas magiging kumplikado rin ang relasyon nina Andrei at Camille dahil naipakilala na ang binata sa tunay na ina niyang si Elvie (Cherry Pie Picache), ang ninang ni Camille na itinuturing nitong pangalawang ina.

Sa ngayon, walang alam si Camille tungkol sa tunay na koneksyon nina Elvie at Andrei, at patuloy naman itong itatago ng mag-ina sa kanya. Hanggang ngayon naman, galit na galit pa rin si Andrei na bigla na lang siyang iniwan ni Elvie noong bata pa siya.

Mapapatawad ba ni Andrei si Elvie sa ngalan ng pagmamahal niya kay Camille?

Subaybayan ang “Marry Me, Marry You” gabi-gabi ng 9:25 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Marry Me, Marry You.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.