News Releases

English | Tagalog

12 celebrity housemates, papasok na sa bahay ni Kuya sa pagsisimula ng "PBB Kumunity" ngayong Sabado

October 14, 2021 AT 03:46 PM

12 celebrity housemates to enter "PBB" house this Saturday as "PBB Kumunity" begins

There’s no stopping Big Brother’s yellow house from opening its doors again as “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition begins this Saturday (October 16), 7 pm.

Enchong, Edward, Maymay, Melai, Richard, Sky, at Kim, kabilang sa mga host 

 

Muling magbubukas ang bahay ni Kuya at opisyal nang magsisimula ang “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition ngayong Sabado (Oktubre 16), 7 pm ng gabi. 

Matapos ipakilala ni Kuya ang kanyang 12 celebrity housemates sa sambayanan, sila naman ang magpapakilala sa isa’t isa ngayong nalalapit na Sabado.  

Kabilang dito sina Alyssa Valdez (“Ang Heartstrong Phenom ng Batangas”) na isang tanyag na volleyball player, KD Estrada (“Ang Musical Wonder Boy ng Parañaque”) na pinahanga ang social media dahil sa kanyang husay sa pag-awit,  at Madam Inutz (“Ang Mama-Bentang Live Seller ng Cavite”) na nabihag ang puso ng netizens sa kanyang nakakaaliw na istilo bilang online live seller. 

Nariyan din ang “Squad Plus” member na si Anji Salvacion (“Ang Singing Sweetheart ng Siargao), ang actor at komedyanteng si TJ Valderrama (“Ang Laughter Lodi ng Manila”) na huling napanood sa “Hoy, Love You,” at ang Miss Grand International 2020 first runner-up na si Samantha Bernardo (“Ang Bread-Queen-Her ng Palawan”). 

Papasok din sa “PBB” house ang komedyante na si Brenda Mage (“Ang Fun-Along Comedian ng Cagayan de Oro”) na nakilala sa “Miss Q&A,” ang Kumu streamer na si Eian Rances (“Ang Striving Streamer ng Quezon”), at ang Kapamilya star na si Alexa Ilacad (“Ang Smartista Unica Hija ng Pasig”). 

Kukumpleto rito sina Shanaia Gomez (“Ang Rising Darling ng Quezon City”) na nakilala sa “Idol Philippines,” ang MMA athlete na si John Adajar (“Ang Mr. Mixed Martial Ama ng Laguna”), at ang model at DJ na si Karen Bordador (“Ang Ms. Brightside ng Makati”). 

Bukod sa housemates, magbibigay naman ng saya at updates tungkol sa mga kaganapan sa loob ng bahay sina Enchong Dee, Edward Barber, Richard Juan, at Sky Quizon, kasama ang tatlong “PBB” Big Winners na sina Melai Cantiveros, Maymay Entrata, at Kim Chiu. Sila ang mga katuwang nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Toni Gonzaga sa pagho-host sa bagong season ng “PBB.” 

Samantala, kahit hindi pa opisyal na nagsisimula ang “PBB Kumunity,” meron na agad task si Kuya sa kanyang celebrity housemates. May online ambagan livestream task ang 12 housemates kahapon (Oktubre 13) sa Kumu na magdidikta ng kanilang kapalaran sa loob ng bahay sa unang linggo. 

Mayroon ding follower sprint sa Kumu, kung saan ang celebrity housemate na may pinakamaraming followers ay magkakaroon ng immunity sa nomination. Kailangan lang i-follow ang celebrity housemate sa kanilang Kumu account mula Oktubre 10 hanggang 16 at Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1. 

Magiging masaya kaya ang pagsasama ng celebrity housemates? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition simula ngayong Oktubre 16 (Sabado), 7 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. Eere naman ito tuwing 5:45 pm tuwing Lunes hanggang Biyernes. 

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing weekend. I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu.  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.