News Releases

English | Tagalog

Edu tutol kina Janine at Paulo sa "Marry Me, Marry You"

October 19, 2021 AT 02:06 PM

Edu bribes Janine to leave Paulo in "Marry Me, Marry You"

Will Camille be able to resolve her issues with Emilio? How will Camille react when she finds out that Elvie is Andrei’s real mom?

I-rescan ang digital TV box para mapanood sa A2Z at TV5

Gustong sirain ni Emilio (Edu Manzano) ang relasyon nina Andrei at Camille (Paulo Avelino at Janine Gutierrez) dahil susuhulan niya si Camille ng milyon-milyong pera para hiwalayan ang kanyang anak ngayong linggo sa “Marry Me, Marry You,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Mamaliitin at aakusahan ni Emilio si Camille na pineperahan lamang nito ang anak niyang si Andrei para makaangat sa buhay. Dahil dito, hihilingin ni Emilio na maghiwalay na sila at at mag-resign na si Camille sa kumpanya ng binata.

Pero hindi lang sa personal na buhay ni Andrei gustong makialam ni Emilio. Balak din niyang gamitin si Camille para kumbinsihin si Andrei na makipag-negosasyon ito sa kumpanya niya.

Sa kabila naman ng panggugulo ni Emilio sa buhay ni Camille, hindi pa rin niya alam na ang dati niyang karelasyong si Elvie (Cherry Pie Picache) ang ninang at pangalawang nanay ni Camille. Si Elvie kasi ang totoong nanay ni Andrei, at naging masalimuot ang hiwalayan nila noong iniwan niya ang bata kaya Emilio.

Samantala, unti-unti namang paghihinalaan ni Camille ang totoong pagkatao ni Elvie dahil sa pagkakatulad nito sa ina ni Andrei. Hanggang ngayon, walang kaalam-alam si Camille sa totoong koneksyon nina Andrei at Elvie.

Maaayos pa ba ni Camille ang relasyon niya kay Emilio? Paano tatanggapin ni Camille ang katotohanang mag-ina sina Andrei at Elvie?

Subaybayan ang “Marry Me, Marry You” gabi-gabi ng 9:25 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Marry Me, Marry You.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.