News Releases

English | Tagalog

Kyle, Albie, at Chie, “PBB Kumunity” celebrity housemates na

October 19, 2021 AT 01:27 PM

Kyle, Albie, and Chie, now “PBB Kumunity” celebrity housemates

When will Kyle, Albie, Chie, Jordan, and Benedix finally enter the “PBB” house? Find out in “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, and TFC every 5:45 pm on weekdays. Meanwhile, it will air every 7 pm on weekends.

Audition para sa PBB Kumunity Adult Edition, muling nagbukas    

Naging pasabog ang pagsisimula ng “PBB Kumunity” Celebrity Edition noong Sabado (Oktubre 16) nang inanunsyo na kabilang sa lima pang karagdagang celebrity housemates ni Kuya ang Kapamilya stars na sina Kyle Echarri, Albie Casino, at Chie Filomeno.  

Ikinagulat ng netizens ang sorpresa ni Kuya kaya naman nakapagtala ang programa ng multiple trending topics sa Twitter at nasungkit pa nito ang number one spot. 

Sabay ding ipinakilala ni Kuya ang dalawang Kumu streamers na magiging celebrity housemates din. Sina Jordan Andrews at Benedix Ramos ang dalawang nagwagi sa ginanap na “Online Bahay ni Kuya on Kumu.” Kasalukuyang tinatapos ng lima ang kanilang mandatory quarantine at medical at psychological tests bago pumasok sa bahay ni Kuya.   

Sa loob ng bahay, matagumpay naman ang celebrity housemates na sina Alexa, Alyssa, Anji, Brenda, Eian, John, Karen, KD, Madam Inutz, Sam, Shanaia, at TJ para sa kanilang unang task dahil naghari ang kanilang bayanihan. Gamit ang kanilang naipon na bitcoins mula sa online ambagan livestream, nakuha ng housemates ang mga kinakailangan nilang furniture at appliances sa “PBB” house sa loob ng 100 na segundo kada grupo.  

Samantala, patuloy ang paghahanap ni Kuya ng adult housemates dahil muling nagbukas ang online auditions para sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition. Bukas ang auditions via Kumu hanggang sa katapusan ng buwan (Oktubre 31, 11:59 pm).  

Kailan kaya papasok sina Kyle, Albie, Chie, Jordan, at Benedix? Muli kayang magtagumpay ang housemates sa tasks ni Kuya ngayong linggo? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.  

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 7 pm ng weekend. I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu.  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.