News Releases

English | Tagalog

Erik Santos may "Sigaw Ng Puso"

October 26, 2021 AT 10:21 AM

Erik Santos exclaims deep sorrow and faith in "Sigaw Ng Puso"

A collaboration between Star Music and Wish FM, “Sigaw Ng Puso” was written at a time of grief, narrating deep sorrow and full submission to God’s will.

Buong puso ang pagsasamo ni Erik Santos sa espesyal na rendisyon niya ng worship song na pinamagatang “Sigaw Ng Puso.”
 
Isang kolaborasyon ng Star Music at Wish FM ang “Sigaw Ng Puso” na tumutukoy sa panahon ng matinding kulungkutan at naglalahad ng pakiusap at pagtitiwala sa Diyos.
 
“This inspirational song composed by Kuya Daniel Razon is very timely. Napakasarap kantahin at pakinggan ng mga awitin na tulad nito lalo na sa panahon na kung saan na tanging ang Panginoon lang ang ating kakapitan,” sabi ng tinaguriang Pop Ballad Royalty.
 
“It gives so much hope and courage to all and I feel so blessed to have been given the chance to record this beautiful masterpiece,” dagdag pa niya.
 


Ikinatuwa naman ng fans ang magandang rendisyon ni Erik sa nasabing praise song pati na rin ang napapanahong mensahe nito. “Full of hope and love.. so beautifully sang.. Always best rendition @eriksantos,” ani MJ1723 sa YouTube.
 
“Nakakadurog nman yan Erik,” komento naman ni Riza de Guzman.
 
Kilala rin bilang King of OPM Theme Songs, si Erik ay napapanood tuwing Linggo sa “ASAP Natin ‘To.” Kamakailan ay ipinagdiwang din niya ang kanyang kaarawan at nagkaroon ng bonggang birthday tribute sa ASAP stage.
 
Pakinggan ang “Sigaw Ng Puso” ni Erik na available na ngayon sa iba’t ibang music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE