News Releases

English | Tagalog

Direk Mae Cruz Alviar, misyong pasayahing ang mga tao sa comeback serye ng KathNiel na "2 Good 2 Be True

October 06, 2021 AT 04:41 PM

Pinapangako ni Direk Mae Cruz Alviar na magbibigay saya at inspirasyon ang reunion project niya kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na "2 Good 2 Be True.

 

"We will do our best to offer a project that will give people a breather from what they are going through right now. This is our mission. This is our vision. And this is what we will aim to do,"sabi ni Direk Mae sa nakaraang cast reveal ng serye.


 

Bukod sa comeback serye ng KathNiel ang "2G2BT," ito rin ang pagsasanib-pwersa muli nina Direk Mae at KathNiel matapos nilang magkasama sa blockbuster films na "Crazy Beautiful You" at "Can't Help Falling In Love."

 

Si Mae ang director ng matagumpay na "Four Sisters Before the Wedding" at "Love or Money" na parehas kinunan sa gitna ng pandemya. Sa paggawa ng seryeng ito, binigyang diin ng batikang direktor na prioridad nila ang kaligtasan ng lahat sa produksyon.

 

"I promise we will take care of all of you. For us, whether ang reason na ito ay for work or out of gusto natin maka-entertain, we are all in this together," saad niya.

Ngayong buwan nakatakdang magsimula ang taping ng "2G2BT" na ipro-produce ng RGE Unit ng ABS-CBN Entertainment, ang grupo na naghatid ng mga dekalibreng serye tulad ng "Bagong Umaga," "Ipaglaban Mo," "Nang Ngumiti Ang Langit" at "Pamilya Ko."

 

Abangan ang bagong seryeng pupukaw sa atensyon ng mga manonood malapit na sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC.

 

Para sa updates, sundan lamang ang RGE Unit sa Facebook (RGE Drama Unit), Twitter (@rgeunit), at Instagram (rgeunit), at ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.