News Releases

English | Tagalog

Andrea, kapit sa patalim sa "Huwag Kang Mangamba"

October 07, 2021 AT 04:26 PM

Andrea turns to life of crime in "Huwag Kang Mangamba"

Mira's new adoptive family is a criminal syndicate…

Pikit-matang susunod si Mira (Andrea Brillantes) sa sindikatong umampon sa kanya bilang kapalit ng kaligtasan niya sa mga tumitinding eksena sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay, kailangang matutong magnakaw ni Mira para patunayan ang katapatan niya sa sindikatong pinamamahalaan nina Thelma (Andrea Del Rosario) at Armand (Richard Quan).
 
Ngayon, abala si Mira sa paghahanda para sa bago niyang misyon sa tulong ni Elias (Christopher de Leon) at ng mga kapwa niya ampon.
 
Nagdurusa si Mira ngayon sa bago niyang pamilya na inakala niyang magliligtas at magpoprotekta sa kanya. Napilitan kasi siyang sumama sa kanila dahil sa pagbabantang natanggap niya na papatayin ang kapatid niyang si Joy (Francine Diaz) kung hindi siya aalis ng Hermoso.
 
Patuloy namang lumalakas ang pwersa ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) sa Hermoso. Pero patuloy ring sinasabotahe ni Joy ang pag-angat ni Deborah sa panggugulo nito kasama sina Rafa (Kyle Echarri) at Pio (Seth Fedelin) bilang paghihiganti sa ginawa nito sa kanyang pamilya.
 
Makatakas pa kaya si Mira mula sa kalupitan ng sindikato? Paano pababagsakin ni Joy ang makapangyarihan niyang tiyahin?
 
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.