News Releases

English | Tagalog

“Bawat Daan” album ni Ebe Dancel ilalabas bilang vinyl record

November 10, 2021 AT 11:16 AM

Ebe Dancel’s “Bawat Daan” album to be released on vinyl

Go-to vinyl record store in the Philippines Backspacer Records will distribute the “Bawat Daan” vinyl.

Unang vinyl project ng Star Music kasama ang Backspacer Records
 
Mapapakinggan na rin sa vinyl ang critically-acclaimed album ni Ebe Dancel na “Bawat Daan” ngayon taon, na siya ring kauna-unahang vinyl project ng Star Music label ng ABS-CBN mula sa music catalogue nito.
 
Masaya ang OPM icon para sa pagkakataon na mai-release sa vinyl ang kanyang award-winning album na unang nilabas noong 2015. Aniya, “I’m very happy, I have so many wonderful memories of the song and album. Thank you Jonathan Manalo, Star Music, and Backspacer Records for making this happen.”
 
Ang go-to vinyl record store sa Pilipinas na Backspacer Records ang magdi-distribute ng “Bawat Daan” vinyl. Kasama sa limited edition release ang 10 kanta na ni-remaster ni Shinji Tanaka sa Kodama Studios at merong gatefold cover at insert sa bagong artwork layout na ginawa ni Ryan de Jesus.
 
Maririnig sa record ang titular track na “Bawat Daan,” “Kasayaw,” “Hanggang Wala Nang Bukas,” “Dapit Hapon,” “Lakambini,” at “Halik Sa Hangin,” pati na ang mga bigating kolaborasyon ni Ebe kasama ang ilang OPM artists na “Prom” feat. Yeng Constantino, “’Wag Ka Nang Umiyak” feat. KZ Tandingan, “Ang Probinsyano” feat. Gloc-9, at “Makita Kang Muli” feat. Regine Velasquez-Alcasid.
 
Isang multi-awarded singer-songwriter si Ebe na kilala para sa mga awiting niyang tumatagos at minamahal ng iba’t ibang henerasyon magmula pa noong lead singer siya ng bandang Sugarfree hanggang sa maging solo artist na siya.
 
Nito lang 2021, kinilala siya sa kauna-unahang SUDI Awards ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na naglalayong parangalan ang mga pinaka-oustanding na musical achievement sa bansa sa nakalipas na dalawang dekada.
 
Mag-pre-order na ng “Bawat Daan” vinyl online sa Backspacer Records (https://bit.ly/bawatdaanvinyl) para sa pagkakataong magkaroon ng signed copy mula kay Ebe. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE