News Releases

English | Tagalog

Carlo iniwan si Erich, kakampi na ni Raymond sa "La Vida Lena"

November 11, 2021 AT 04:52 PM

Carlo dumps Erich, sides with Raymond in "La Vida Lena"

Lena just lost a significant ally!

Nalagasan na ng kakampi si Lena (Erich Gonzales) dahil bumaliktad na sa kanya ang kaibigang si Jordan (Carlo Aquino) para pagsilbihan si Lukas (Raymond Bagatsing) sa “La Vida Lena” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Tinanggap ni Jordan ang alok ni Lukas dahil sa matinding galit niya kay Lena. Nalagay kasi ang ina ni Jordan sa kritikal na kondisyon dahil sa paghihiganti ni Lena laban sa mga Narciso.
 
Ito ay matapos mangako ni Vanessa (Agot Isidro) na uubusin niya ang mga mahal sa buhay ni Lena kapag nangialam pa ito sa pamilya nila. Ito ang pantapat na pananakot ni Vanessa matapos magbanta si Lena na ibubulgar na nito kay Lukas na ang tunay na ama ng anak nitong si Adrian (JC De Vera) ay si Conrad (Christian Vasquez), ang kaibigan ng pamilya nila.
 
Bagama’t alam na ni Adrian ang katotohanan sa pagkatao niya, papayag siyang ilihim ito mula kay Lucas dahil sa kagustuhan niyang manahin ang negosyo ng kanilang pamilya.
 
Pagkatapos masaktan ang isa sa mga mahal niya sa buhay, ano na ang susunod na hakbang ni Lena para ituloy ang mga plano niya?
 
Subaybayan ang ikatlong season ng “La Vida Lena” simula ngayong Lunes (Nobyembre 15) 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z.
 
Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “La Vida Lena,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.