News Releases

English | Tagalog

MYX at Tinder, sanib-pwersa para sa "MYX and Match" dating game

November 25, 2021 AT 01:40 PM

MYX and Tinder team up for a new season of "MYX and Match" dating game

Tinder will be the official casting partner of the online dating game show “MYX and Match.”

Simula na ang casting ngayong Disyembre!

Magsasama ang MYX, ang numero unong music channel sa bansa, at Tinder, ang pinaka-popular na app sa buong mundo para makahanap ng bagong pag-ibig, para sa kaabang-abang na bagong season ng “MYX and Match.”
 
Ang Tinder ang magsisilbing opisyal na casting partner ng online dating game show na “MYX and Match” kung saan maaaring sumibol ang bagong pag-ibig. Kada episode nito, may guest searcher na pipili ng kanyang ‘match’ mula sa participants pagkatapos dumaan sa compatibility challenges.   
 
Si VJ Ai dela Cruz na naging searcher sa isang episode ng “MYX and Match” Season 1 ang magsisilbing host ng mas pinabonggang programa, na mapapanood na ngayon sa isa sa pinaka-popular na video-sharing platform na TikTok sa account ng @myxglobal.
 
Sa inaabangang pagbabalik nito, pipiliin ang “MYX and Match” participants sa pamamagitan ng Tinder na magsisimula na sa call nito para sa voluntary participation sa Disyembre. Para sa mga interesado, magdownload lang ng Tinder app sa Google Play Store o Apple App Store, mag-create ng account, at mag-match sa “MYX and Match” profile card kapag lumitaw ito sa screen. Siguraduhing nabasa at naunawaan ang terms at conditions bago i-submit ang inyong entry.
 
Abangan ang bagong season ng “MYX and Match.” Para sa detalye, sundan ang MYX sa FacebookYouTubeTwitter, kumuTikTok, and Instagram. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE