News Releases

English | Tagalog

Digital game show na “Showbiz Play Pa More,” nagbabalik para sa pamaskong papremyo

November 25, 2021 AT 01:00 PM

Ekslusibong mapapanood at malalaro nang live sa Facebook!

Nakisaya ang dating “PBB Kumunity Season 10” housemate na si Albie Casiño sa pagbabalik ng interactive game show ng Jeepney TV na “Showbiz Play Pa More (SPPM)” kung saan nagsilbi siyang celebrity player at nagbahagi rin ng karanasan niya sa loob ng bahay ni Kuya.

Nagbabalik din ang game master na si Jhai Ho ngayong holiday season para higit pang magpasaya sa SPPM, kung saan mas marami na ang pwedeng maglaro dahil mapapanood ito nang live sa Facebook page ng Jeepney TV tuwing Lunes, 6 PM.

Gaya ng naunang season, pwedeng maglaro sa “Showquiz Pa More” segment ang mga registered player, kung saan mananalo ng iba’t ibang cash prize ang unang 20 sa Round 1, unang 8 sa Round 2, at unang 3 sa Round 3 na makakasagot nang tama sa mga tanong tungkol sa showbiz. Isang maswerteng manlalaro rin ang mananalo ng P15,000 sa Round 4 at makikipagtagisan sa featured celebrity guest.

Para maging qualified player, kailangan lang i-follow ang Jeepney TV Facebook page at mag-register sa bit.ly/ShowbizPlayPaMoreS2 o kaya ay i-scan ang QR sa link na ito: https://www.facebook.com/JeepneyTV/photos/4430704917049685.

Tatlong pre-holiday episodes pa ang mapapanood sa Nobyembre 29, Disyembre 6 at 13.

Mag-register na para maging isa sa “SPPM” players at tumutuok sa livestream ng programa sa Jeepney TV Facebook page tuwing Lunes, 6 PM. Mapapanood naman ang catch-up replay sa kasunod na Sabado, 8:30 PM sa Jeepney TV (SKYcable channel 9, GSAT channel 55, at Cignal channel 44) at Jeepney TV YouTube channel. Sundan ang Jeepney TV sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok, at mag-subscribe sa YouTube channel nito.