News Releases

English | Tagalog

Kauna-unahang Kusina Kween kokoronahan ng Cinema One

November 26, 2021 AT 10:03 AM

First-ever Kusina Kween to be hailed in Cinema One's Noche Buena challenge

For a chance to win P50,000 and an air fryer!

Sali na sa Noche Buena Challenge at manalo ng P50,000!
 
Panahon na para magpasiklaban ang home cooks ng mga paboritong pamaskong handa nila sa Noche Buena Challenge ng Cinema One, kung saan pwedeng manalo ng P50,000 at maging kauna-unahang “Cinema One Kusina Kween.”
 
Bukas ang “Kusina Kween: The Noche Buena Challenge Promo” sa lahat ng mga nanay, tita, at ate edad 18 hanggang 55 years old na nakatira sa Pilipinas at gustong ibahagi ang pina-level up nilang Noche Buena recipes.
 
Para sumali, kailangan lang maghanda ng 1 to 3 minute cooking video na naka-landscape format at may magandang video at audio quality. I-submit ito sa bit.ly/C1KusinaKween hanggang Disyembre 31 (Biyernes).
 
Ang makakakuha ng pinakamataas na score mula sa judges na sina of Vanjo Merano ng Panlasang Pinoy and Chef Tatung Sarthou ang mag-uuwi ng P50,000 cash prize at isang air fryer mula sa Kyowa. Makakatanggap din ng Kyowa air fryer bilang consolation prize ang tatlong runner-up.
 
Dalhin sa next level ang iyong paboritong Noche Buena recipe at sumali na sa “Kusina Kween: The Noche Buena Challenge Promo” ng Cinema One! Para sa iba pang detalye, pumunta sa bit.ly/C1KusinaKween. Para sa updates, i-like ang Cinema One sa Facebook (https://www.facebook.com/Cinema1channel) at sundan ang @c1nemaone sa Twitter at @cinemaonechannel sa Instagram.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE