News Releases

English | Tagalog

Kilig treat ng Kapamilya loveteams at bonggang '80s kantahan, babalikan sa 'ASAP Natin 'To'

November 26, 2021 AT 10:18 PM

Relive the kilig treat from Kapamilya loveteams and showstopping '80s showdown on 'ASAP Natin 'To'

The November fever may be almost over, but the all-star party continues from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Pakatutukan din ang ilan pang best-of-the-best treats mula sa paborito ninyong idols
 
Patapos man ang November pero tuloy-tuloy pa rin sa pagbibigay saya ang mga paborito ninyong Kapamilya idol, tampok ang best-of-the-best kilig treat ng mga paborito ninyong loveteam, isang bonggang '80s kantahan mula sa mga naglalakihang OPM star, at bonus fresh musical acts ngayong Linggo (Nobyembre 28) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Kiliging muli sa pa-sorpresa ng paborito ninyong Kapamilya loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Kyle Echarri at Francine Diaz, Aljon Mendoza at Karina Bautista, pati Kobie Brown at Andie Abaya, na susundan ng matinding sayawan mula kina Maymay Entrata, Enchong Dee, Ronnie Alonte, Jameson Blake, Chie Filomeno, Ashley Colet, Kurt Mendoza, Ashley del Mundo, at Drey Brown.
 
Panooring muli ang bigating '80s kantahan nina Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
 
Todo-todo pa ang saya na dala ng novelty hits performance ng inyong "ASAP Natin 'To" family, kasama sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Vivoree Esclito, at iba pa. Makiki-party rin ang mga paborito ninyong heartthrob na sina Joshua Garcia, Inigo Pascual, at Darren.
 
Balikan naman ang mga bigating ASAP performance na nagpamangha sa atin, tulad ng mga transformation nina Erik Santos, Nina, at AC Bonifacio; todo-bigay na duet performances mula sa New Gen Birit singers na sina Sheena Belarmino, JM Yosures, Lara Maigue, Anthony Castillo, Janine Berdin, Sam Mangubat, Elha Nympha, and Reiven Umali; at ang matinding collab nina Gary Valenciano at Bamboo.
 
Maki-hataw muli kasama sina Ogie Alcasid, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Joao Constancia, Edward Barber, Robi Domingo, at ang dancing lolo't lola na sina Dennis Hong at Doren Relacion.
 
At huwag ding palampasin ang mga fresh na fresh na musical acts mula sa I Belong to the Zoo, Baby Blue, at ang back-to-back biritan nina Rachel Alejandro at Sheryn Regis, tampok ang kani-kanilang bagong single na "Hanggang" at "Gusto Ko Nang Bumitaw."
 
Sulitin na ang inyong November weekend sa isa nanamang non-stop party mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.