News Releases

English | Tagalog

Team Kim, Amy, at Karylle wagi bilang Magpasikat champion sa "It's Showtime"

November 27, 2021 AT 06:47 PM

Pinatunayan nina Kim Chiu, Amy Perez, at Karylle na 'women are gold' matapos tanghalin bilang Magpasikat 2021 grand champion para sa kanilang performance tungkol sa women empowerment ngayong araw (Nob.27) sa "It's Showtime."

 

Nagbigay pugay ang team KAK sa mga babaeng atleta ng bansa at ipinakita ang katatagan, kagalingan ng mga babae sa kanilang maalab na performance. Ang kanilang napalanunan na P200,000 ay ibibigay nila sa Girl's Got Game foundation na tumutulong sa mga batang babaeng atleta. 

 

Panalo naman sa second place ang team nina Vice Ganda, Jackie Gonzaga, at Ryan Bang na naghatid ng madamdaming performance sa mga taong nawalan ng pamilya sa gitna ng pandemiya. Binigyan din nila ng panahon ang ilang madlang pipol para  makapagpaalam sa kanilang minamahal.

 

Nag-uwi naman ang parehas na team nina Ogie Alcasid at Vhong Navarro na pinaalala ang mga larong Pinoy at team nina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Ion Perez na isinama ang madlang pipol sa kanilang interactive performance ng P50,000 para sa kanilang napiling beneficiaries. 

 

Inabangan din ng maraming Pilipino ang Magpasikat performances dahil naging trending topic worldwide ang hashtag ng show na #ShowtimeMagpasikat2021 habang ang #TeamVhongOgie, Karylle, Team VICERYANJACKIE, Team JUGSTEDDYION, Kim Chiu ay naging trending topic naman sa Twitter Philippines.

 

Panoorin ang “It’sShowtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. 
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.