News Releases

English | Tagalog

Andrea at Francine kakapit kay Bro hanggang dulo sa "Huwag Kang Mangamba"

November 09, 2021 AT 05:40 PM

Bumalik na ang pananampalataya ng mga taga-Hermoso kay Bro pero hindi pa tapos ang misyon nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) hangga’t nananatiling malaya si Deborah (Eula Valdes) sa huling linggo ng “Huwag Kang Mangamba” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Pagkatapos magkunwaring patay ni Deborah, nakatakda siyang bumalik para tapusin ang buhay ng lahat ng mga kumalaban sa kanya lalo na sina Mira at Joy. Nauna na niyang pagtangkaan ang buhay ni Mira pero gumaling agad ito dahil sa taimtim na pagdadasal ni Joy kay Bro.
 
Sa kabila naman ng mga pagsubok, tiniyak ni Bro sa magkapatid na may dahilan ang lahat ng pinagdadaanan nila at hindi dapat sila nangangamba kung malakas ang pananampalataya nila.
 
Nakatakda ring maghilom ang mga sugat sa puso nina Mira at Joy dahil sa unang pagkakataon ay magkakasama silang tatlo ng kanilang namayapang inang si Fatima (Dimples Romana).
 
Huwag palampasin ang healing finale ng “Huwag Kang Mangamba,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre. Sa Pilipinas napapanood ito tuwing 8:40 PM mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa A2Z at TV5 ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.