News Releases

English | Tagalog

Moira may “Pabilin” para sa mga nagmamahal

November 09, 2021 AT 10:54 AM

Tampok ang mga awiting “Pagitan” at “Pabilin”
 
Inilunsad ni Moira dela Torre ang kanyang two-track single na pinamagatang “Pabilin,” na kinabibilangan ng mga kantang “Pagitan” at “Pabilin” na may hatid na kwento ng matinding kalungkutan, pagsisisi, at pagbangon. 
 
“’Pabilin’ talks about making the most of our time with our loved ones, because we don’t know much of it we really have,” sabi ng Kapamilya singer-songwriter sa kanyang Instagram post.
 

Kinwento naman ni Moira sa kanyang panayam sa “Magandang Buhay” na tampok sa two-track release ang isang awitin mula sa anak para kanyang ama o ina at isa pang awitin na mula naman sa isang magulang para sa kanyang anak. Siya mismo ang sumulat ng lyrics nito katulong ang kanyang asawa at fellow songwriter-musician na si Jason Hernandez.
 
Tungkol sa pagsisimula muli, hatid ng unang track na “Pagitan” ang pagnanais sanang makapagpaalam sa isang minamahal na lumisan na. Ramdam dito ang iba’t ibang estado ng kalungkutan sa pagkawala ng isang minamahal. Samantala, ang ikalawang kanta na tinawag ding “Pabilin” ay espesyal na mensahe naman ng isang lumisan sa kanyang naiwan.
 

Ibinahagi ni Moira na naging inspirasyon niya sa paggawa ng mga bagong kanta ang matinding sakit ng mga taong nasa paligid niya sa pagkawala ng kanilang minamahal ngayong pandemya. Sinusundan ng “Pabilin” ang kanyang “Patawad” album na ginawaran ng Platinum certification noong nakaraang taon.
 
Pakinggan ang two-track release ni Moira na “Pabilin” na available na ngayon sa iba’t ibang digital platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE