News Releases

English | Tagalog

iWantTFC nagpasiklab, ipinasilip ang star-studded originals sa 2022

December 10, 2021 AT 05:48 PM

Exciting ang 2022 para sa iWanTFC! Binuksan na ng iWantTFC ang bagong regalo nito sa ginanap na “iWantTFC Unwrapped” event noong Biyernes (Disyembre 10) kung saan ipinakilala ang mga bituin at creators ng bagong originals na ipapalabas sa susunod na taon.

 

Magtutuloy-tuloy ang kilig nina Max at Deib (Belle Mariano at Donny Pangilinan) sa “He’s Into Her,” kung saan matitikman nila ang tamis at pait ng pag-ibig bilang bagong magkasintahan. Kasama nilang babalik sa Benison sina Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Jeremiah Lisbo, Gello Marquez, Ashley De Mundo, at Dalia Varde.

 

May bagong teen barkadang makikilala sa “Tara G,” tampok sina Daniella Stanner, Anthony Jennings, Kaori, Vivoree, JC Alcantara, Zach Castaneda, at CJ Salonga.

 

Kakaibang love story naman ang hatid nina Janine Gutierrez at Lovi Poe sa unang project na pagbibidahan nilang dalawa, ang “Sleep With Me.”

 

Bibida si Angelica Panganiban sa "The Goodbye Girl,” base sa libro ng best-selling author na si Noreen Capili, tungkol sa iba’t ibang klase ng babae at ng mga paraan nilang mag-move on mula sa pagiging sawi sa pag-ibig. Tampok dito ang real-life sweethearts na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Maris Racal at Rico Blanco, pati sina Barbie Imperial, Elisse Joson, JC De Vera, RK Bagatsing, Turs Daza, at Joshua Colet.

 

Makakasama sa “Click Like Share” season 3 sina Belle, Elmo Magalona, Jane Oineza, JC Alcantara, at Vivoree para idiin ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media.

 

Unang beses namang pag-aagawan si Francine Diaz ng tatlong leading men sa “Bola Bola,” kung saan makakapareha niya sina Akira Morishita ng BGYO at Ashton Salvador at KD Estrada ng The Squad Plus. Dito, lulutuin ni Francine ang feelings niya at gagawing isang masarap na merienda para mapaibig ang crush niya.  

 

Magpapaiyak ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde’s sa Mother’s Day offering ng iWantTFC na “Mrs. Piggy,” tungkol sa isang inang nasubsob sa paghahanapbuhay kaya’t hindi na niya namalayan ang paglaki ng mga anak niya.

 

Unang batch pa lang ito ng bagong originals na darating sa iWantTFC dahil marami pa itong hinahanda para sa 2022.

 

Samantala, ipapalabas din sa iWantTFC ang MMFF 2021 entry na “Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine)” nina Charo Santos and Daniel Padilla. Susundan nito ang sinapit ng isang mag-inang naapektuhan ng Bagyong Yolanda.

 

Itinampok naman sa “iWantTFC Unwrapped” ang isang live production number mula sa DonBelle at ang trailers ng inaabangang “F4 Thailand” na mapapanood na simula Disyembre 18. Nariyan din ang mga Kapamilya teleseryeng “2 Good 2 be True” ng KathNiel, “Darna: The TV Series,” “The Broken Marriage Vow,” at “Love in 40 Days” na unang ipapalabas sa iWantTFC bago sa telebisyon.

 

Abangan ang mga ito sa 2022 at mag-download na ng iWantTFC app (iOs and Android) o gumawa ng account sa iwanttfc.com para libreng makapanood ng higit sa 1,000 pelikula, ABS-CBN shows, Kapamilya classics, newscasts, lifestyle shows, Asianovelas, lahat ng iWantTFC originals, at iba pang digital content. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

 

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.