News Releases

English | Tagalog

Mga hindi malilimutang "MMK" episodes nina Sylvia, Jane, at Yves, mapapanood muli

December 10, 2021 AT 01:28 PM

Babalikan ng "MMK" ang ilan sa mga pinag-usapang episodes bida sina Sylvia Sanchez, Jane Oineza, at Yves Flores ngayong Disyembre.

 

 

Mapapanood muli ang 2013 iEmmy Awards Best Drama Series Finalist na "Manika," bida ang 2013 New York Festival Best Performance by an Actress finalist na si Jane ngayong Sabado (Dis. 11).

 

Hindi naisip ni Nene (Jane) na ang kanyang magandang mukha ang magdadala ng kanyang pagdudusa. Sa kasamaang palad, ilang beses siyang nagahasa ng kanyang stepfather. Ang masaklap dito ay tumulong pa ang ina para mangyari ito. Panoorin kung paano siya makakawala sa nakagisnan buhay at kung paano niya maitatayo ang sarili sa nangyari.

 

Balikan naman ang isang kwento ng pamilyang napagbuklod ng isang ina nang siya ay nawala bago mag-Pasko. Nang malaman na naging sugarol ang ina na si Nita (Boots Anson-Roa), pinili ni Jona (Sylvia) na sumama sa kanyang nobyo at lumayo.

 

Ngunit kahit noong nagka-pamilya siya, hindi pa rin maalis kay Jona na alagaan ang ina. Sa pagdaan ng panahon, makikita niyang nagiging makalimutin ang ina. Sa huli, nalaman niyang mayAlzheimer’s disease pala ito. Alamin kung paano nila ito nahanap at kung anu-ano ang kanilang natutunang magkakapatid.


 

Isang kwento naman ng pagsisikap ang matutunghayan sa araw ng Pasko. Simula bata, pinangarap na ni Ramon (Yves) na makasakay ng roller coaster. Ngunit sa hirap ng buhay, hindi niya ito magawa. Mula sa pagiging janitor ng isang amusement park, alamin kung paano siya nagsikap magkaroon ng sariling amusement park at matawag bilang "Carnival King."

 

 

 

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.