News Releases

English | Tagalog

“PBB,” DonBelle, Vice, at iba pang Kapamilya, wagi sa RAWR Awards 2021

December 17, 2021 AT 02:11 PM

ABS-CBN shows and stars win big in RAWR Awards 2021

With the love and support of fans and the blogging community, ABS-CBN brought home the most number of awards in LionhearTV’s RAWR Awards 2021 with 11 trophies for its shows and stars.

 Sa pagmamahal at suporta ng fans at bloggers, muling umani ng pinakamaraming parangal ang ABS-CBN sa RAWR Awards 2021 ng LionhearTV matapos tumanggap ng 11 tropeo para sa mga programa at artista nito kamakailan lang.
 
Tinanghal na Trending Show of the Year ang “Pinoy Big Brother” habang Digital Series of the Year naman ang “He’s Into Her” ng iWantTFC.
 
Ang mga bida ng “He’s Into Her” at pelikulang “Love is Color Blind” na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o “DonBelle” naman ang pinarangalang Breakthrough Artist of the Year at Loveteam of the Year.
 
Tuloy pa rin ang winning streak ni Vice Ganda, na hinirang na Favorite TV Host of the Year sa RAWR Awards.
 
Samantala, tinanggap naman ni John Arcilla ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang Royal Lion, na isa sa pinakamataas na gawad ngayong taon. Ginawaran si John para sa kanyang mga nagawang programa at pelikula, at pagdala ng karangalan sa bansa bilang Best Actor sa prestihiyosong Venice International Film Festival.
 
Maliban sa kanila, pinili rin ng RAWR nation si “TV Patrol” at “Headstart” anchor Karen Davila bilang Female News Personality of the Year, si JM de Guzman ng “Init sa Magdamag” bilang Favorite Kontrabida, at ang “PBB Connect” ex-housemates at “Pasabuy” co-stars na sina Ralph Malibunas at Ella Cayabyab o “RalphElla” bilang Favorite Newbie.
 
Nanalo ring Vlogger of the Year (Short Form) si Esnyr Ranollo, na bahagi ng cast ng “Love is Color Blind,” habang Vlogger of the Year (Long Form) naman ang ibinigay kay “PBB Kumunity Season 10” host Toni Gonzaga.
 
Ito na ang ikapitong pagbibigay karangalan sa mga natatanging programa, grupo, at indibidwal sa Philippine entertainment industry ng RAWR Awards, na inilunsad ng LionhearTV, isa sa nangungunang entertainment sites sa bansa. Ang mga nanalo ay base sa pinagsamang boto mula sa fans, mga miyembro ng entertainment press, at PR personalities.  Ini-stream ang awarding, na hinost ng Star Magic artist na si Turs Daza, sa Facebook at YouTube accounts ng LionhearTV kagabi (Disyembre 16).
 
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom