News Releases

English | Tagalog

Edu, mahal pa rin si Cherry Pie sa "Marry Me, Marry You"?

December 02, 2021 AT 01:31 PM

Is Edu still in love with Cherry Pie in "Marry Me, Marry You"?

How will Elvie’s family survive the scandal? What’s Laviña’s next move to keep Elvie away from her and Emilio?

Mukhang malambot pa rin ang puso ni Emilio (Edu Manzano) para sa dati niyang kasintahang si Elvie (Cherry Pie Picache) sa Kapamilya teleseryeng “Marry Me, Marry You.” 
 
Malakas ang kutob ni Laviña (Teresa Loyzaga), ang asawa ni Emilio, na may nararamdaman pa ito sa ex-girlfriend niya kaya naman lumalaki rin ang galit niya kay Elvie.
 
Kaya naman para siraan ang reputasyon ni Elvie, nanuhol si Laviña ng mga tao para siraan ang buong pamilya ni Elvie at nagpapakalat ng fake news para ituro ito bilang mastermind ng isang investment scam na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso. 
 
Kahit biktima lang din si Elvie sa naturang scam, sinasagad na ni Laviña ang pagpapahirap kay Elvie dahil kinasuhan na rin niya ito kahit wala siyang matibay na ebidensya.
 
Gumagana naman sa ngayon ang mga masasamang plano ni Laviña dahil pati ang kumpanya ni Andrei (Paulo Avelino), ang nag-iisang anak nina Emilio at Elvie, ay hindi makakuha ng mga kliyente dahil sa lumalaking eskandalo ng pamilya ni Andrei.
 
Paano lalabanan ng pamilya ni Elvie ang kontrobersiyang kinasasangkutan? Ano ang susunod na gagawin ni Laviña para mapalayo si Elvie sa kanila ni Emilio? 
 
Subaybayan ang “Marry Me, Marry You” gabi-gabi tuwing 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z.

Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang  “Marry Me, Marry You,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.