News Releases

English | Tagalog

SB19, inawit ang theme song ng “Love at First Stream”

December 20, 2021 AT 11:43 AM

Remix version ng “No Stopping You” kasama rin si Jayda!

Hindi na talaga mapipigilan sina Josh, Justin, Ken, Pablo, at Stell ng P-Pop boy group na SB19 na magpakalat ng positive ng vibes dahil sila rin ang umawit ng theme song ng upcoming Star Cinema at kumu film na “Love At First Stream” na “No Stopping You.”

Bida sa kanta ang mensahe ng pagiging ‘unstoppable’ sa pagkamit ng mga pangarap at paggamit sa mga pagkakamali para mas palakasin ang loob ng isang tao. Ito ang kauna-unahang proyekto ng grupo sa ilalim ng ABS-CBN Music.

Bukod sa solo version ng SB19, mapapakinggan na rin ang remix version ng “No Stopping You” kung saan tampok ang Kapamilya singer-songwriter na si Jayda.

Orihinal na komposisyon ni Richard “Putito Chief” Salazar ang kanta habang si Theo Martel naman ang nag-areglo at mix at master nito. Ipinrodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Dahil sa inspirasyong dala nila, siguradong hindi lang fans ng SB19 at ni Jayda ang matutuwa sa kanta kundi pati na rin ang mga tagasuporta nina Daniela Stranner, Anthony Jennings, Kaori Oinuma, at Jeremiah Lisbo—ang main cast ng “Love At First Stream” na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at mapapanood na simula sa araw ng Pasko (Disyembre 25) bilang isa sa mga official entry Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Pakinggan ang “No Stopping You” ng SB19 at ang remix nito kasama si Jayda sa iba’t ibang digital music platforms! Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE