News Releases

English | Tagalog

Mag-chill kasama si Edward sa bago niyang MYX show na "Kwentong Barber" sa Kumu

February 01, 2021 AT 11:13 AM

Mapapanood na ngayong Miyerkules sa MYX PH Kumu channel!

Tiyak na bibida ang masayahing personalidad ni Edward Barber sa bago niyang online show na “Kwentong Barber” na mapapanood na sa MYX Philippines channel (@myxph) sa Kumu simula ngayong Miyerkules (Pebrero 3). 

Sa “Kwentong Barber,” ipapamalas ng MYX VJ ang galing niya sa pagho-host at mas kikilalanin pa ang kanyang mga bisita habang nakikipagkwentuhan tungkol sa buhay, pag-ibig, at iba pa. 

Inimbitahan ni Edward sa pilot episode ng programa ang kanyang mabuting kaibigan na si Darren Espanto para kumustahin ang Kapamilya artist sa mga dapat abangan niyang music releases at iba pang plano para sa 2021. 

Ang “Kwentong Barber” ang pinakabagong adisyon sa mga digital offering ng MYX Philippines sa official account nito sa Kumu na @myxph, kasama ang “MYX Pop Quiz,” “MYX Fullscreen,” “Make It Mondays,” at “MYX Pwestuhan”—kung saan may libreng live online gigs ang Kumu streamers. 

Samahan si Edward sa isang masayang kwentuhan sa “Kwentong Barber,” mapapanood nang live sa MYX Philippines’ channel (@myxph) sa Kumu simula 6pm sa Miyerkules (Pebrero 3). Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE