News Releases

English | Tagalog

Jayda, handog ang "Paano Kung Naging Tayo" ngayong Valentines

February 12, 2021 AT 06:16 PM

Jayda gifts fans with "Paano Kung Naging Tayo" single this Valentines

"Paano Kung Naging Tayo" MV, Jayda's directorial debut, will be out on Sunday (February 14)!

MV na idinirek ni Jayda, tampok si Rhys Miguel bilang leading man 

Idinaan ni Jayda sa isang awitin ang kanyang mga katanungan sa pag-ibig sa pinakabagong single na “Paano Kung Naging Tayo?” na handog niya ngayong Buwan ng mga Puso.
 
Ito ang unang awiting Filipino na iprinodyus ni Jayda at isinulat niya kasama ang ama na si Dingdong Avanzado. Ayon sa young singer, nabuo niya ang konsepto ng kanta matapos makita sa social media ang isang post na nag-kwento ng kanyang ‘what ifs’ sa taong minamahal. 
 
“It moved me and it was something that resonated with me enough that I and my dad, my co-writer on this track, finished the whole thing in 24 hours,” kwento ni Jayda kaya naman ibinuhos niya ang emosyon sa bagong single mula sa Star Music para sa mga taong nagdadalamhati at iniisip ang mga posibilidad kung sakaling naging sila ng taong laman ng kanilang puso’t isipan.   
 
May karagdagang handog din si Jayda ngayong Feb-ibig dahil saktong Valentine’s Day (Pebrero 14) ilalabas ang music video ng kanyang bagong single na siya mismo ang nagdirek bilang una niyang pagsabak sa directing.
 


Tampok rin sa inaabangang MV ang dating “Pinoy Big Brother: Otso” housemate na si Rhys Miguel bilang kanyang leading man.  
 
Napapakingan na ang “Paano Kung Naging Tayo?” sa iba’t ibang digital platforms. Abangan naman ang MV nito ngayong Linggo (Pebrero 14) tampok sina Jayda at Rhys sa Star Music YouTube channel. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Star Music sa Facebook (fb.com/starmusicph) at i-follow ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH). 
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.