News Releases

English | Tagalog

Old School Records ng ABS-CBN, ipinapakilala sina Chloe, RJZON

February 16, 2021 AT 10:45 AM

ABS-CBN's Old School Records to drop debut singles of Chloe, RJZON

Check out Chloe’s “All About You” and RJZON’s “Itatago Na Lang” on various music streaming services starting Friday (February 19).

Ilulunsad ng Old School Records ng ABS-CBN ang dalawang baguhang artists na sina Chloe at RJZON na magbibida na kani-kaniyang debut single ngayong Biyernes (Pebrero 19).
 
“All About You” ang titulo ng kanta mula sa “The Voice Teens Philippines” season 1 contestant na si Chloe na naging bahagi ng Team Sarah. Ang kanta ay isang 90s inspired R&B na hatid ang throwback sa tunog urban hip-hop ng nakaraan.
 
Kasalukuyang aktibo ang 18-year power vocalist sa YouTube bilang artist at content creator. Nagsilbi rin siyang interpreter sa 2020 Philpop Manila cluster para sa kantang “Mapa” na komposisyon ni Aikee.
 
Isinulat at inarrange ni KIKX Salazar ang kantang “All About You” na magtatampok din kay KVN, isa ring Old School Records artist, sa rap verses nito.
 
Samantala, ilulunsad naman ng powerful belter na si RJZON ang solo single niyang “Itatago Na Lang,” isang ballad composition ni KIKX tungkol sa hindi masusukliang pag-ibig at pagtatago dito sa kabila ng sakit na nararamdaman. 
 
Kabilang si RJZON sa isang pamilya ng musikero at siya rin ay kontesero na nagsimulang umawit sa murang edad. Nagtrabaho rin siya bilang cruise ship singer sa loob ng higit limang taon.
 
Bahagi sina Chloe at RJZON ng Old School Records, ang bagong Kapamilya music label na naglalayong ipaalala ang mga natatanging tunog ng dekada ‘70, ‘80 at ‘90.
 
Pakinggan ang “All About You” ni Chloe at “Itatago Na Lang” ni RJZON sa iba’t ibang music streaming services simula Biyernes (Pebrero 19). Para sa iba pang detalye, sundan ang Old School Records sa FacebookTwitter, at Instagram.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE