News Releases

English | Tagalog

Bagong virtual dating game show na "MYX and Match," malapit nang mapanood sa kumu

February 17, 2021 AT 12:08 PM

New virtual dating game show "MYX and Match" launching this March on kumu

"MYX and Match” will bring together eligible singles of all genders and gender expressions who are ready to play the game of love.

Mag-audition na para maglaro ng game of love!
 
Sanib-pwersa ang music channel na MYX Philippines at Pinoy community platform na kumu sa pinakabagong virtual dating game na "MYX and Match" para tulungan ang mga single na makahanap ng pag-ibig lalo na’t ayon sa isang national poll ay umabot na sa all-time high ang bilang ng mga Pilipinong walang love life sa kasalukuyan.
 
Pangungunahan ng social media sensation na si Dora (@doracrybaby) ang “MYX and Match” dating game show na pagsasamahin ang lahat ng 18 years old pataas na single anuman ang gender o gender expression nila para maglaro ng game of love.
 
Kada episode, bibigyan ng tatlong potential partners ang searcher at susubukin ang compatibility nila gamit ang iba't ibang masasayang challenge. Pero mananatiling nakatago ang pagkatao at itsura ng searcher at searchess hanggang sa malaman na ang final match para masigurong hindi lang pisikal ang koneksyon nila.
 
Ang mananalong pares ay magkakaroon ng virtual date kung saan pwedeng maki-'third wheel' ang KUMUzens at panoorin kung ano ang mangyayari sa relasyon nila sa susunod na episode.
 
Para mag-audition, i-download lang ang kumu app, mag-upload ng one minute video sa 'kumu klips' na ipinapakilala ang sarili mo, bakit ka single, ano ang perfect partner para sa'yo, at bakit sa tingin mo ay handa ka nang makilala ang iyong perfect match.
 
Napabalitang 18 percent ng mga Pinoy ay nagsasabing wala silang love life base sa survey na ginawa ng Social Weather Stations sa 1,500 Filipino adults noong Nobyembre 21 hanggang 25 ng nakaraang taon.
 
Hanapin ang 'the one' at mag-audition na para makasali sa “MYX and Match,” na malapit nang mapanood sa MYX at kumu via @myxph. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), atInstagram (@myxph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE