News Releases

English | Tagalog

SAB, hatid ang panghabang-buhay na pangako sa bagong single na "Always Stay The Same"

February 17, 2021 AT 05:25 PM

SAB keeps love alive in new single "Always Stay The Same"

Written as a gift for the anniversary of her parents, the singer-songwriter said “Always Stay The Same” is a composition that’s currently the closest to her heart.

Kantang hango sa love story ng kanyang mga magulang
 
Isang kanta tungkol sa pangako ng pagmamahal sa isang tao habambuhay ang bagong single ng young artist na si SAB, ang “Always Stay The Same” na ilulunsad ng Star Music sa Biyernes (Pebrero 19).
 
“Tungkol ito sa pag-imagine sa future kasama ang isang tao at paggawa ng lahat ng makakaya niyo para maging totoo ‘yun dahil pinapabuti niyo ang isa’t isa,” paliwanag ni SAB.
 
Isinulat ng singer-songwriter ang awitin bilang regalo sa anibersaryo ng kanyang mga magulang, na ayon sa kanya ay ang komposisyong pinakamalapit sa puso niya ngayon.
 
“Para sa akin, ‘yung kanta ay nasa perspective ng dad ko na nagp-promise sa mom ko. Naisip ko kung paano kaya bago sila nagpakasal at ano ‘yung future na inaasahan nila,” aniya.
 
Inamin din ni SAB na kakaiba sa naunang dalawang singles niya ang pinakabago niyang music release. “Itong ’Always Stay The Same’ ang pinaka-mature at vulnerable sa tatlong kanta ko,” ayon sa Kapamilya singer na isinulat ang kanta bago matapos ang 2020.
 
Inilabas ni SAB ang kantang “She” at “Dancing In the Dark” noong nakaraang taon na isinulat naman niya ilang taon na ang nakalilipas.
 
Panghawakan ang pag-ibig at pakinggan ang “Always Stay The Same” ni SAB sa iba’t ibang digital music streaming services simula sa Biyernes (Pebrero 19). Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE