News Releases

English | Tagalog

Bonggang Feb-Ibig Sunday celebration ang aabangan sa 'ASAP Natin 'To'

February 19, 2021 AT 06:37 PM

Fabulous Feb-Ibig Sunday celebration continues on 'ASAP Natin 'To'

Catch the #ASAPCelebration live this Sunday, 12 NN, on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, TFC, and iWantTFC.

Mapapanood ngayong Linggo nang live sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 

Tuloy-tuloy ang Feb-Ibig celebration ngayong Linggo (Pebrero 21) dahil live na live ang mga world-class performance mula sa mga naglalakihang bituin at mga special guest sa "ASAP Natin 'To." 

Damhin ang party vibes sa mga performance ng mga teen idol na sina Kyle Echarri, Jin Macapagal, Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Jeremy Glinoga, Darren Espanto, at BINI, habang bibirit muli ang mga ASAP young diva na sina Elha Nympha, Janine Berdin, at Sheena. 

Back-to-back naman ang comeback celebration sa ASAP dahil iindak muli ang cast member ng "Riverdale" na si AC Bonifacio, at tatapak ulit sa ASAP stage si Morisette para awitin ang panibagong single na "Phoenix." 

Makisayaw naman sa TikTok dance showdown ng mga Kapamilya heartthrob na sina Joshua Garcia, Kyle Echarri, at Enchong Dee kasama ang special guest na si Jhong Hilario. Hindi naman pahuhuli sa dance floor para sa kanilang Britney Spears-inspired performance ang dance royalty na si Kim Chiu, at Maymay Entrata. 

Maki-hugot naman sa mga performance ni Moira dela Torre kasama ang Concert King na si Martin Nievera. May sentimental performance din ang bandang Ben&Ben, pati Magnus Haven kasama ang ultimate Kapamilya singers na sina Erik Santos, Jed Madela, Jason Dy, at Nina. 

May special jamming session din sa ASAP stage ang bandang Spongecola kasama ang Divine Diva na si Zsazsa Padilla. 

Bibirit din ngayong Linggo ang mga Super Diva na sina Klarisse de Guzman, Kyla, Angeline Quinto, at Asia's Songbird na si Regine Velasquez. At huwag palampasin ang engrandeng pagsasama nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at ang Megastar na si Sharon Cuneta. 

Lahat ng bonggang performances na ito ay mapapanood ninyo sa longest-running Sunday musical variety show na "ASAP Natin 'To" ngayong Feb-Ibig Sunday (Pebrero 21), 12 ng tanghali sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV).

Mapapanood pa rin ang ASAP sa TV5, at worldwide naman sa iWantTFC at TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE